Six months ago… Walang pinangarap si Ginang Luz kundi ang makita si Irish na mag-settle down. At syempre kung may pipiliìn siyang lalaki para sa anak, iyon ay walang iba kundi ang unico hijo ng mga De Asis. Oo't may mataas na katayuan ang pamilyang ito ngunit hindi naman ito ang dahilan kaya sa kanila niya nais ipagkasundo ang dalaga. Mangyari'y matalik na kaibigan niya sina Imelda at Horacio. Noon ngang magkakasama pa sila sa unibersidad ay nangako na silang ipakakasal ang kanilang mga anak upang maging tanda ng kanilang samahan. Kaya nga labis ang kagalakan ni Ginang Luz dahil ang ipinakilalang asawa ni Irish ay walang iba kundi ang kanyang choice na si Keith Levi De Asis. Sa sobrang tuwa'y nayakap niya ang binata. Noong nasa abroad si Irish para sa bagong branches ng Love's World Je

