Pagak na natawa si Irish. “G-gagawin nating totoo? Alin, itong pagpapanggap nating mag-asawa ba ang tinutukoy mo?” “Meron pa bang iba?” bulong ni Keith. Huminga siya nang malalim upang tibayan ang dibdib. Inaasahan naman niya kasing hindi ito basta na lang tatanggapin ng dalaga. Gayunman, kailangan pa rin niyang buksan ang mahalagang isyu dahil nakasalalay dito ang kinabukasan ng kanilang samahan. “Are you crazy?” Hindi na napigil ni Irish ang pag-akyat ng init sa kanyang mukha. “Alam mo ba ‘yang sinasabi mo, Keith?” “Hindi ako makapaniwala.” Kung hindi dahil sa mahabang manggas ng kanyang dark suit, mapapansin ng dalaga ang paglabas ng mga ugat ni Keith sa braso. Humigpit kasi lalo ang paghawak niya sa steering wheel. Sa loob ng dibdib niya ay magkahalong lungkot at inis ang umiikot n

