Kabanata 17

1452 Words
“It’s been a long time, Duke. How are you?” bati ni Irish sabay nakipag-beso sa lalaki. “I’m good. I’m good. Thank you so much for stopping by, sweetie.” Nakangiting pinagmasdan ni Duke si Irish at ang kanyang nakababatang kapatid na si Jared. “Look at you two, very perfect for each other. Let me guess, kayo na ba?”  May halong panunukso sa tinig nito. Awtomatikong namula ang mukha ni Irish. Ganoon ba talaga ang tingin sa kanila ng karamihan? Sasagot na sana siya ngunit naunang tumugon si Jared. “Oh, no. Kuya. Irish and I are only friends. Masanay ka na sa amin. Close lang talaga kami sa isa’t isa.” Halata ang accent nito kapag nananagalog. “Totoo ba?” Nanghihinayang na tumingin si Duke sa dalawa at nagkibit-balikat na lang. “Oh, well. Sorry if I misjudged things. But honestly, you really look good together.” Inakbayan ni Jared ang dalaga. “Everyone tells that.” Gustong matunaw ni Irish sa pagkailang. Hindi niya inaasahan na hanggang Pilipinas ay makakatikim siya ng panunukso kasama si Jared. Noong nasa New York kasi, lahat ng nakakasalamuha nila’y pinagkakamalan silang magkasintahan, bagay na ikinatutuwa naman ng binata. Sa kabila ng maingay na kasiglahan sa loob ng hotel ay nahagip ng pandinig ni Irish ang tumutunog niyang cellphone. Napangiti siya sa isip. Mabuti naman at kahit papaano’y makakaiwas siya sa kinaaayawang usapan. “Um, Jared, Duke, can I excuse myself for a while? I need to get this call.” Hawak na niya ang telepono. Pagsulyap niya dito’y nabasa niya ang pangalan ng matalik na kaibigan. “Go ahead,”ani Jared na tumango pa. o0o Kung may taglay lang na superpowers si Keith ay kanina pa nabasag ang baso sa kanyang kamay. Ito lang naman kasi ang pwede niyang pagbuhusan ng inis habang tinititigan mula sa malayo si Irish. Magkahalong attraction at irritation ang umiikot sa kanyang sistema habang pinapanood ang kasama nitong kulang na lang ay halikan ang dalaga. May boyfriend naman na pala siya. Bakit hinayaan pa niyang ipagkasundo kami. Eh, ‘di sana hindi ko na siya nakilala. Sana hanggang ngayon, hindi ko siya iniisip kahit alam kong hindi naman niya ako magugustuhan. Bigla siyang napaisip. Ngayong nagbago na ako, hindi pa rin kaya niya ako magugustuhan? “Are you connected to that woman?” Hinawakan ni La Diva ang mukha ni Keith at pinaharap sa kanya. “Kilala mo ba ‘yong kasama ng brother ni Duke?” Inalis ni Keith ang mga kamay ni La Diva sa mukha niya. “Hindi at wala akong balak alamin,” aniya sabay lagok sa iniinom. Inubos niya ito na parang tubig lang.  “Talaga lang, ha? Bakit kung titigan mo sila kulang na lang sugurin mo?” May panunukso sa tinig ni La Diva. Sandali siyang sumulyap sa direksyon nina Irish. “Naging kayo ba ng babaeng ‘yon?” “Hindi mangyayari ang sinabi mo,” bulong ni Keith at sinalinan niyang muli ang baso.” Nadama na lang niya na ikinikiskis ni La Diva ang paa nito sa kanyang binti. Dahil dito’y halos umusok ang kanyang ilong. “Itigil mo ‘yan.” ‘I just want you to feel good. Hindi ba sabi ko, enjoy mo lang ang gabing ‘to? Ako ang kasama mo pero nasa ibang babae ang atensyon mo.” Itinuloy niya ang paghagod sa ilalim ng mesa. Wala namang nakakahalata dahil nababalutan ng makapal na tela ang mesa. Nanigas ang panga ni Keith. Dama rin niya na may iba pang parte ang naninigas sa kanya dahil sa ginagawa ng babae. Dapat talaga hindi siya nakakampante kapag kasama ang mapanuksong dalaga. Isang maling kilos lang niya at maaaring mawala ang lahat ng pinaghirapan niya. “Kasama rin ba ito sa seduction class mo?” Umayos siya sa pagkakaupo kaya nahinto sa ginagawa si La Diva. “No. But I can’t help it. Hindi naman kasi ako ang tipong itinatago ang nararamdaman ko. If I like someone I’m with, I’ll do anything just to make him feel I appreciate him.” “Hindi mo naman kailangang gawin ‘yan sa ‘kin dahil wala naman ‘tong patutunguhan. Napanalunan mo lang naman ako ngayong gabi at wala akong ibang gagawin kundi samahan ka. Iyon lang, hindi ba?” “Tama ka naman diyan.” Nagbikit-balikat si La Diva. “We can’t end up in bed because of the contract. But it doesn’t mean you cannot kiss me or vice versa.” “Sorry, pero hindi ko ring gustong gawin ‘yan. Pumasok ako sa pagiging husband para sa kompanya ko at hindi para makipaglaro sa babae. Kung hindi mo naitatanong, ang mga katulad mo ang dahilan kung bakit nasa ganitong situwasyon ako ngayon.” Nanliit ang mga mata ni La Diva. Namula siya sa inis ngunit imbes na sampalin ang binata, hinawakan niya ito sa mga panga at pinaglapat ang kanilang mga labi. Hinalikan niya ito nang ubod lalim hanggang sa pareho silang halos hindi na makahinga.  Ilang segundo ring nawala sa sarili si Keith. Wari’y may halong spell ang halik na iyon at kung nasa pribadong lugar lang sila ay batid niyang manganganib ang kanyang self-control. Siya na ang bumitiw bago pa sila mapansin ng ibang tao. “Nababaliw ka na ba talaga?” “Naka-score din ako sa ‘yo. Kung alam mo lang ang epekto sa akin ng halik na ‘yon. Para akong nakatikim ng prutas na matagal kong pinaglilihian.” Mapanuksong umayos sa pagkakaupo si La Diva. Nakapinta sa kanyang mukha ang ngiti ng tagumpay. “By the way, kaya ko ginawa ‘yon ay para ipaintindi sa ‘yo na hindi ang mga katulad ko ang dahilan kung bakit nandito ka sa sitwasyon na ito. You did this to yourself. Hula ko, naloko ka ng babae, ‘no? At pinerahan ka lang. Dahil ‘yon sa naging mahina ka sa tukso.” Itinuro niya ang binata gamit ang kanyang hinlalaki. “I’m actually doing a favor for you, Darling Kanye. Tinuturuan lang kitang pagtagumpayan ang mga babaeng dapat mong iwasan.” Natahimik si Keith. Gayunman, nais niyang sumabog sa inis dahil tila ipinamumukha ni La Diva ang katotohanan sa kanya, na walang ibang may kasalanan sa nangyari kundi siya lang, na nawalan ng malaking halaga ang kompanya dahil sa nagpaloko siya sa babae.  Malakas na nagbuntong-hininga si Keith habang sapo niya ang kanyang sentido. “Hindi na mangyayari ‘yon. Pagkatapos ng kontrata ko sa RnJ, kung may babaeng dadaan sa ‘kin, hindi ko siya hahayaang maisahan ako.”  “Oh, Darling Kanye…” Hinawakan ni La Diva ang kamay ng binata at nilagay sa makinis niyang pisngi. “Natutuwa ako dahil marunong kang tumanggap ng pagkakamali mo. Pero huwag mong hayaan na makulong ka sa nakaraan. Life is so hot, you know. You can avoid commitment and mess around while running a company. Kung kailangan mo ng tulong tungkol do’n, nandito lang ako,” aniya sabay kindat. “By the way, to officially end your seduction class with me, you need to remember one thing- you can still be seduced by a woman even though she’s not doing anything to seduce you. Tandaan mo ‘yan, okay? Maraming napapahamak sa mga husband dahil sa bagay na ‘yan.” Napapailing na lang si Keith. Nakakaubos man ng lakas at nakakaloko ang pagsama-sama niya La Diva, kahit papaano’y marami siyang natutunan. Gayunman, mas gugustuhin niyang hindi na sila magkita kapag nakalaya na siya sa kontrata sa RnJ. “Tatandaan ko ‘yan,” bulong ni Keith at hindi sinasadyang napatingin siya sa direksyon ni Irish.  “Hoy, kakasabi ko lang, ah. Bakit nakatanga ka na naman sa babaeng ‘yon?” Hindi na pumapasok sa tainga ni Keith ang pagbubunganga ni La Diva. Nakatulala na lang siya habang pinagmamasdan itong naglalakad palayo sa lalaking kasama nito. Batid niyang hindi pa aalis ang dalaga dahil sa isang pinto ito patungo at hindi palabas ng main entrance. “Saan kaya siya pupunta?” Batid niyang hindi na dapat pinapakialaman si Irish. Wala naman silang koneksyon bukod sa magkaibigan ang kanilang mga magulang. Isa pa’y minsan na siya nitong binalewala at hinamak. Ngunit bakit interesado pa rin siya sa kung anumang ‘business’ ng dalaga?  Tumayo siya sa kinauupuan at lumakad patungo sa pasilyong pinasukan ni Irish. Hindi niya inantala kung sumisigaw sa likuran si La Diva at kung nakakasagi siya ng ibang tao sa kanyang dinaraanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD