“Sorry, Irish.” Biglang tumayo si Keith. Dinampot niya ang remote control at pinindot ang pause. Pagkatapos ay nagpunas siya ng pawis sa noo. “Kung magpapatuloy ang pinapanood natin habang ganito tayo kalapit sa isa’t isa, may mangyayari sa atin nang wala sa oras.” Sumilay ang mainit na kulay sa mukha ni Irish. Pinilit niyang ngumiti. “Ibig sabihin, hindi na natin itutuloy ang picnic?” May bahid ng lungot sa tinig niya. “Syempre, itutuloy pa rin natin. Pero ibang movie na lang.” “Wala namang problema,” ani Irish. Tumaas ang isang kilay niya. “Hindi naman kasi ako ang pumili ng movie na ‘yan in the first place.” “Ako ba?” Itinuro ni Keith ang sarili. Isang oras pa ang dumaan. Ang senswal na pelikula kanina ay nauwi sa panonood ng anime movies. Hindi akalain ni Keith na na edad niya ng

