Kabanata 12

833 Words
"Seduction is paying attention to someone's needs. If you are to seduce a woman, get to know her, set the desirable atmosphere, and move slowly while getting physical," pagpapaliwanag ni La Diva. Siya'y isang dating deployable na code agent ng RnJ. Ngayon, nakatoka siya sa pagtuturo sa mga husbando upang ganap na maging handa ang mga ito sa pagtanggap ng kliyente. Suot ang Dolce coat na hanggang mid-thighs na, naglakad siya sa aisle na tila ramp model. Isa-isa niyang pinagmamasdan ang mga husbando na tahimik lang at matamang nakikinig sa kanya. " Just go slow. Seduction is all about timing and anticipation. Then proceed slowly. Wait a bit to approach her. Listen more. Talk less." Nag-ayos sa pagkakaupo si Keith. Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang presensya ng babaeng nagtuturo sa kanila ay nagpapainit din sa malamig na silid ng seduction class. Kung titigan nito ang bawat isa sa kanila ay tila nanghuhubad. Sa tuwing bubuka ang mapupula nitong mga labi ay may bahid ng pagngisi. At sa bawat pangungusap na binibitiwan ay sinasaliwan pa ng mahinang paghalinghing.   "Confidence, my darlings, is the key to seduction." Nagulat na lang ang lahat nang umupo si La Diva sa kandungan ng isang husbando sa harap ni Keith. Hinaplos nito ang mukha ng lalaki at ang balbas-saradong panga habang tinitigan na wari'y sila lamang ang nasa silid. "If you are more of a button-down shirt, don't shave if you enjoy having a beard." Halos sa isang kisap-mata lang ay wala na si La Diva sa lalaki. Napasinghap na lang si Keith nang yakapin siya nito mula sa likuran. "Another thing in seduction is the way you smell. Scent is a powerful element in the laws of attraction. It’s your pheromone my darlin’ that’s why you need to choose a smell that'd be pleasant without being overpowering. Know what kind of perfume or cologne your clients most prefer.” Nanindig ang mga balahibo ni Keith nang dumampi ang ilong ni La Diva sa kanyang leeg at langhapin siya na parang paboritong pagkain. "Is it L'Eau Bleu d'Issey Eau Fraiche?” “T-tama.” Dahil sa batid ni Keith na hindi siya ganoon ka-attractive dati, dinadaan niya sa pabango ang pagpapa-guwapo kasabay ng pagsusuot ng magagarang mga damit. Ngayong gumanda na ang kanyang katawan ay mas lalong bumagay ang mga pabangong kanyang ginagamit.   Lumignon siya kay La Diva. Sa sobrang lapit ay manipis na hangin na lang ang pagitan ng labi niya rito. “Paano mo nalaman?”  Ngumiti si La Diva nang ubod-lawak at pinapakita ang mapuputing ngipin. “The last guy I hook up with wears the same perfume as you.” Gumapang ang mga daliri niya sa ilalim ng tainga ni Keith pababa ng balikat. “It’s classic with a simple undertone. Nevertheless, the woody yet citrusy scent is enough to drive any woman crazy for you.” “Ganoon ba?” bulong ni Keith. Batid niyang lahat ng kilos ng mapanuksong babae ay may kahulugan.  Pitong araw na silang nasa loob ng seductive class at walang segundo ang lumipas na bumaba ang temperatura ng code agent na ito. Ilang araw na silang binibigyan ng lektura kung paano ang tamang pang-aakit, ganoon din ang paglaban sa pang-aakit.  Dahil lahat sila sa silid na iyon ay umaapaw ang natatanging mga karisma, batid ng RnJ na may posibilidad na magpadala ang mga husbando nila sa tukso ng mga babaeng kliyente. Ito ang dahilan kaya bago sila ma-deploy, dadaan sila sa mapanghamon at mapanuksong pagkatao ni La Diva. Kahit na pumasa sila sa training, kapag nagpadala sila sa pang-aakit ni La Diva ay paniguradong hindi sila papayagang tumanggap ng kliyente. “Yes, darlin’.” Kinagat ni La Diva ang labi at bumaba ang mga mata sa mga labi ni Keith. “Hindi kaya ikaw ‘yon? Are you the man I spent a night with?” “Hindi.” Seryoso niyang ibinaon ang malagkit na pagtitig sa nangungusap na mga mata ni La Diva. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito at bumulong.”  “Pero kung gusto mong magkatotoo ang iniisip mo, libre ako pagkatapos ng klase.” Nakangisi siyang lumalabas sa panunukso. “Oh, is that so?” Bumitiw si La Diva kay Keith. Sinuklay niya gamit ang mga kamay sa itim at mala-sedang buhok at nakangiting iginala ang paningin sa ibang husbando. “Well, my darlings, this will be the end of our lecture class. I’m so pleased to say that everyone in this room has passed the lecture for both seduction phases.” Lumingon siyang muli kay Keith. “Pero huwag muna kayong magsaya. Dahil may practical exam pa kayo.”  Nag-flying kiss si La Diva kay Keith bago pa-catwalk na lumabas sa silid. Malambing man ang pagkakasabi ng babaeng pinaglihi sa succubus, para sa binata ay pailalim itong nagbabanta. Batid niyng ginagawa lamang ng babaeng iyon ang trabaho . Gayunman, kung anuman ang mangyayari sa seduction practical exam ay hindi siya sigurado.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD