Isang taon ang lumipas… Alas-kuwatro pa lang ng umaga ay bumangon na si Keith. Bagaman, inaantok pa ay isa-isa niyang pinulot sa sahig ang kanyang damit at inipon sa ibabaw ng counter. Unang isinuot ang boxers, pagkatapos ay ang maroon na button down long sleeve shirt. Humarap siya sa salamin at isinuksok ang laylayan nito sa dark trouser pants, saka ikinabit ang sinturon. Hindi na niya pinagkaabalahan na maghilamos. Sabagay ay maliligo rin naman siya pag-uwi sa bahay. Maingat niyang kinuha ang susi sa sabitan nang marinig ang boses ng isang babae. “H-hey, why so early?” Matamlay pa rin ang mga mata ni Keith nang tumingin siya sa magandang babae na nakahiga sa kama na kanyang tinulugan. “Papasok pa ako sa opisina mamaya. Kaya pasensya ka na kung kalangan kong umalis.” Kinagat ng babae

