Malinaw ang mga nakasulat ngunit tila hindi ito naiintindihan ni Keith. Kung nauunawaan man niya ang mapait na mga mensahe ay hindi pa rin ito narerehistro sa kanyang isipan. Noong huling beses na sila’y magkausap ay halos ayaw nitong humiwalay sa kanya kaya imposibleng sabihin ng kanyang kasintahan ang mga iyon. Kailangang malinawan niya kung ano ang nangyayari. Ngunit ni hindi niya maigalaw ang kamay. Nanginginig ang mga daliri niya kaya hindi magawang tawagan ito. “Keith!” pasigaw na bulong ni Gabe. Kung hindi lang makikita sa monitor ay kanina pa dapat niya binato ng upuan ang tulalang kaibigan. “Mr. Scott is in front of you. Anong nangyayari sa ‘yo?” “H-huh?” Makailang beses na kumurap si Keith. Pakiramdam niya’y ilang sandali siyang nawala sa kasalukuyan. Nang bumaling siya sa m

