"Hindi na ba kayang paiksiin pa ang proposal na 'to?" Labis na nakakunot ang noo ni Keith nang ibalik kay Oswald ang limang pahina ng papeles. "Sabihin mo kay Engineer Guillermo, hindi porque maganda ang sinasabi, maaakit na ang prospect niya. Mas mahalaga pa ring specific at hindi iyong paulit-ulit!" "Yes, Sir." Mabilis na tumango si Oswald. Kahit na bahagyang natataranta ay sinisikap pa rin maging alerto. Tatalikod na sana siya nang biglang tinawag ni Keith. "Sandali, Oswald…" Inabot niya sa assistant ang isang flash drive. "Nandito ang revised contact na ni-request ni Conor Scott. Siguraduhin mong uunahin mo ito sa lahat, okay?" "Right away, Sir." Sa sobrang pagkatuon ni Oswald ay hindi niya namalayang nakasalubong sa may pinto si Engineer Gabe. Nagtataka nitong pinagmasdan si Keit

