Matiyagang inilapat ni Keith sa sahig ang anim na patong ng mga kumot at comforter. Kahit malambot ito at hindi malamig, mas nais niyang maginhawa katulad sa kanyang kama ang hihigaan ngayong gabi. "Siguro naman, hindi ko na kailangan hintayin si Irish. Pwede na akong matulog kahit wala pa siya,” aniya at nagpalit ng V-neck shirt at sweatpants. Saka niya tinanggal ang pagkakalock ng pinto at humiga na sa sahig. Naninibago man, ipinikit niya ang mga mata at pinilit makatulog. Hindi man niya nais ang ideyang magkahiwalay sila ni Irish ng higaan, naisip niyang mas mabuti na rin itong magkakaroon sila ng privacy. Hindi sa nais niyang masolo ang dalaga kundi nais niyang makausap ito nang masinsinan. Matapos kasi niyang makausap si Ginang Luz, pakiramdam niya’y kilalang kilala na rin ang dal

