Alas-nuebe na ng gabi ngunit naroon pa rin si Keith sa kanyang opisina at paulit-ulit na binabasa ang mga profile ng aplikante para sa CFO, ang posisyong nabakante ng kanyang Uncle Fred. Hindi siya dapat magkamali sa pagpili. Hindi naman matatawaran ang credentials ng mga aplikante. Karamihan sa mga ito’y kasalukuyang mga manager sa iba’t ibang opisina ng De Asis Construction.. Ay iba ay galing naman sa ibang kompanya at dekada ang ginugol kaya beterano na sa karanaan. Lahat ay karapat-dapat. Gayunman, kung may pagkakalooban siya ng mahalagang pwesto sa opisinang mamumuno sa finance, iyon ay dapat mapagkakatiwalaan higit sa lahat. Malakas na nagbuntong hininga si Keith at ipinikiy muna ang mga mata. Ayokong madaliin ang pagpapasya kaya iiwanan ko muna ‘to. Pero pagkatapos ng kasal ko, m

