Nang matanggap ang tawag ni Irish, kulang na lang ay liparin ni Keith ang direksyon papuntang ospital na pinagdalhan kay Ginang Luz. Pagdating doon ay naabutan niyang kausap si Irish ng isang babaeng doktor. Nang mapansin siya ng dalaga, awtomatikong yumakap ito sa kanya at sumubsob ng mukha sa kanyang dibdib. "A-anong nangyari, Irish? Bakit sinugod si Mommy?" tanong niya sa fiancee. Inangat niya ang mukha nito at pinahid ang mga luha sa pisngi. "I-inatake siya sa puso," ani Irish at muling humikbi. Bakas ang magkahalong pag-aalala at takot sa mukha niya. "Tsk, tsk!" Ramdam ni Keith ang panginginig ng katawan ni Irish kaya lalo niya itong niyakap. Ngunit napakunot siya ng noo dahil napansin niya ang suot ng dalaga. Naka-tube ito at napakaikling shorts. Nai-imagine niya tuloy kung g

