Kabanata 47.

1743 Words

Dahil sa hindi inaasahan ni Keith na makita sa grocery ang may-ari ng Arella Meat Market Corporation, hindi siya nagdalawang-isip na lumipat ng ibang department store. Mahirap na kung kailan isang linggo na lang at matatapos na ang kontrata ay saka pa mabuburilyaso ang kanyang totoong katauhan. Hinding-hindi maaaring mangyari iyon dahil contractor siya ng kompanya ni Jibelle. Tunay ngang napakaliit ng mundo. Nais pa naman sana niyang makausap ang kapwa hired husband na si Jude tungkol sa mga saloobin din nito sa parehas na sitwasyon. Katulad din ba niya ito na habang tumatagal ay nagkakaroon ng attachment sa wife client? Naisipan na rin kaya nito na totohanin ang pekeng relasyon sa kliyente sa kabila ng kakaharaping penalty? Sana ay hindi siya nag-iisa sa kinakaharap na hamon. Gayunm

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD