Ang buong akala ni Keith ay kahit sa bahay siya nagta-trabaho, makakarelax siya kahit papaano. Ngunit hindi katulad sa opisina, ngayon ay doble ang tambak na folders ang nakapatong sa kanyang mesa. Hindi pa kasama rito ang nakapila na emails sa kanyang laptop na nangangailangan din ng katumbas na atensyon. Sabagay ay ayos lang kahit lumuwa ang mga mata niya sa maghapong pag-aaral ng mga dokumento at building plans. Nakasalalay naman dito ang future ng kompanya. Tunay na malaki ang naitulong ng investment ng RnJ sa De Asis Construction. Walong buwan na ang nakararaan nang tapalan niya ang nanakaw na pera sa kompanya, ngayon ay maayos itong gumugulong at lumalago. Gayunman, hindi niya nais na umasa rito. Kaya nga kahit nasa bahay ay halos gawin niyang araw ang gabi. Minsan nga'y nakitulog

