Ilang buwan na ako dito sa America pero ilang beses lang kami nag usap ni Keaven, noong unang buwan ko dito ay babad kami sa fa e time, pero nakakagulat na bigla itong nawala. Walong buwan, walong buwan ko pinagsasabay ang home study at ang pag-aalaga kay Papa, may bala sa likod niya dahilan para hindi siya makalakad at manatili sa upuan na de gulong, hinihintay ng mga doktor na gumalaw ang bala para ma operahan na at maalis. Hindi ko maaaring iwanan ang aking ama dahil matindi ang kompetisyon ngayon sa bagong mauupo na lider ng aming pamilya. Malakas ang kutob ng aking ama na may traudor sa aming angkan. "Anak, umuwi ka na ng Pinas, naghihintay ang asawa mo." Hindi ako umimik at hinimas ang malaking tiyan ko. Kabuwanan ko na at hinihintay na lang na sumakit para iire. Kambal ang nasa l

