Mabilis Lumipas ang isang taon, ang balita ko ay nanganak na si Mari, pero hindi ko alam bakit hindi pa rin bumabalik dito. Tatlong buwan na ang anak namin at halos mabaliw na ako sa mga litrato na pinapadala ni Jap, si Sofia naman ay nandito pa rin sa bahay dahil nahuli na sa isinagawang operasyon ang kanyang ama, nakakaawa dahil inatake sa puso ang kanyang ina at namatay. Hindi pa rin nawawala ang koneksyon ng ama nito sa labas ng kulungan kaya hindi ko mapalayas ang babae na 'to, maraming beses niyang pinagtangkaan na akitin ako pero salamat sa takot ko kay Mari dahil hindi naman ako nadadala. Aminado ako minsan gusto ko na talaga, pero kapag naiisip ko si Mari at ang mga anak namin ay biglang nawawala ang libog ko sa katawan, iba pala kapag may tao na lagi nasa isip mo, hindi mo talaga

