" Ate, pwede ba baon namin ni Nene yung mga nasa ref?, kung pwede lang naman. " Sabi ng kapatid ko na si Mar habang nag aalmusal kami. Minsan naawa ako sa kalagayan namin kapag naalala ko na dati ang isang itlog ay pinipirito ko at hati-hati kami, minsan naman ay toyo at nangunguha lang ng kamatis ang dalawa sa bakuran nila Luna. Pasimple ko na pinahid ang aking luha at pinangako sa aking sarili na hindi ko na 'yon hahayaan na mangyari. Kahit sabihin na hindi ko sila totoong kadugo, noong nabubuhay pa ang magulang namin ay sagana din naman ako na pinalaki, kaya bakit ko sila pagdadamutan kung anong meron ako?. " Baunin ninyo, okay lang. " Sagot ko sabay yakap sa akin ni Mar at Nene, nagpaalam na ang dalawa na papasok na. Ako naman ay nakaupo lang dahil wala akong klase. Mabilis akong n

