Pagkatapos ng klase ko sa paaralan ay training naman sa gym, halos hindi na ako makatayo sa sakit ng katawan. Si Jap pa ang personal na nag training sa akin kanina, nanggigigil ako dahil tinutuunan lang ako sa noo. Hindi man lang ako maka suntok sa kanya! Ang sipa ko naman ay bitin. Akala ko matatamaan ko na siya ng aking sipa, kaso nahawakan niya ang paa ko at hinagis pa pataas sabay salo sa akin at tumama ang tiyan ko sa kanyang balikat. Napakasakit ng katawan ko ngayon. Pero natutuwa ako na kahit paano ay may mga natutunan na ako. Tumunog ang aking cellphone at nakita ko na si Papa ang tumatawag. " Pa? " " Nandito mga kapatid mo, pumunta ka dito para makilala sila. " " Okay po. " Sabi ko sabay bihis ng damit, nag shorts lang ako at t-shirts na malaki. Sumakay ako ng tricycle at tin

