" Mari anong nangyari sa kamay mo?, sa paglalabada mo na naman yan? " Naluluha na tanong sa akin ni Luna, hindi na ako sumagot pero ramdam ko ang lungkot ng aking kaibigan. " Tara kain tayo bes! " " Hay nako Mari, parang kaya ko naman lunokin ang pagkain habang tinitingnan ko ang namamaga mo na kamay. H'wag na lang. " " Minsan lang ako mang libre eh, tatanggihan mo pa. " Umaarte na sabi ko sa aking kaibigan, mukhang tumalab naman kaya tumayo na ang babae at hinila ako patungo sa school canteen. Natatawa ako dahil dinukot ni Luna ang bulsa ko at naalala ko wala pala akong na withdraw na pera. " Okay! Ako pala ang magbabayad, sana kanina mo pa sinabi na nagugutom ka. " Nakangisi lang ako na tumingin sa aking kaibigan. Pagbalik niya may dala ng isang chopsuey na ulam at isang adobo n

