CHAPTER: 7

1562 Words
Katulad ng mga nagdaang araw ay patuloy ang buhay namin kahit wala na ang aming mga magulang. Nagpapasalamat naman ako at naasahan ko na ngayon si Mario. Siya ang nagsasaing sa umaga at nagluluto ng ulam na aming kinakain at binabaon. Gusto ko man na sa dorm na lang tumuloy dahil bukod sa magastos ang pamasahe ay nakakapagod din talaga lalo at huling taon na namin ito sa pag-aaral. Halos isang taon na ang mabilis na lumipas sa aking buhay, ni hindi ko madalawa sila Nanay dahil mahal ang pamasahe. Nahihiya naman ako kay Luna mangutang dahil wala pa nga ako ni isang nababayaran sa kanya mga hiniram ko na pera. " Ate, huling takal na ng bigas ang sinaing ko ngayon, wala na din tayong pang ulam kahit de lata. " Sabi ng aking kapatid na si Mario. Inabot ko ang bente pesos sa kanya. " Yan lang ang natira ko na pera Mar, tig sampo na lang muna kayo ni Nene, maghahanap pa ako ng bahay na magpapalabada sa akin. " Tumango naman ang aking kapatid at humalik sa aking pisngi. Ganito ang naging buhay namin, isang kahig isang tuka. Naglilibot ako sa mga karatig purok at kakatok sa bahay ng mga mayayaman tatanungin kung gusto ba nila magpalaba. Napakahirap, nakakapangliit minsan kung titingnan ka mula ulo hanggang paa, ang iba naman halos hingiin na lang ang serbisyo mo, babarqtin nila ang bayad, pero ano ba ang magagawa ko?, ano ba ang uunahin ko?, syempre ang sikmura ng mga kapatid ko! " Good morning Mrs. Santos. " Pagbati ko sa ginang na suki ko sa pag papalabada, suki dahil barat ang hayop na ito. Pero siya lang ang madalas magpalaba kaya wala akong pagpipilian. Sinimulan ko na maglaba malaking babae ang ginang kaya malaki ang mga damit, ganun din ang kanyang asawa na malaki ang tiyan. Napasandal ako sa pader at nakahinga ng malalim. " Oh, tapos ka na ba Maria? " Tanong ng ginang na tinanguan ko naman. Inabotan niya ako ng twin pack na kape at isang balot ng tinapay at isang slice ng biscuits at dalawang de lata. " Oh Mari, hindi na kita pakakainin dito, alam ko naman na kape lang ang iinumin mo at ang tinapay ay iuuwe mo pa sa mga kapatid mo. Pagkatapos mo dyan iligpit mo at ako'y mag papahinga na. " Sabi ng babae sabay abot sa akin ng tatlong daan na piso, halos maiyak ako dahil sa dami ng nilabhan ko ganito lang ang bayad. Isinalansan ko ang mga planggana at pinunasan ang washing machine sabay inom ng tubig at dinampot na ang plastik na naglalaman ng pagkain. Lumabas ako ng gate at kinabig ito pasara. Mabilis ko hinakbang ang aking mga paa dahil alas sais na ng hapon, wala pang pagkain ang mga kapatid ko. Maging ako ay kumakalam na ang sikmura. Nakakita ako ng tindahan kaya bumili ako kaagad ng dalawang kilong bigas. Mabilis ang naging hakbang ko ng makauwi kaagad. Pagdating ko sa bahay ay natutulog na ang mga kapatid ko, mabilis ako nagsaing at naupo sa aming sofa. Tinitigan ko ang aking dalawang kapatid na natutulog, marahil ay gutom na ang mga ito at itinulog na lang, alas siete y media na ng gabi at noong nabubuhay pa sila Nanay ay ganitong oras talaga ang tulog namin, Pinunas ko ang takas na luha mula sa aking mga mata, tumayo ako at binawasan ang kahoy sa lutuan dahil iniinin ko nalang ang sinaing. Halos limang minuto lang nga ay binuksan ko na ang isang de lata at tinungo ang silid ng aking mga kapatid. " Mar, gising na! Kain na tayo. Gisingin mo na ang kapatid mo. " Sabi ko sabay lakad palabas ng silid at nag-ayos ng hapag kainan. Halos manginig ako sa bawat pag subo ko ng mainit na kanin sa gutom at pagod. Nakatingin si Mario sa aking kamay na nginitian ko lang naman. " Kain na kayo. " Alok ko sa kanila ni Nene, nakita ko na nagpunas ng luha si Mario pero nag patay malisya ako. Ayaw ko maawa sa aking sarili at sa aming sitwasyon. Ang kailangan ko ay maging mas matatag dahil kung panghihinaan ako ng loob wala din naman mangyayari. Mabilis ko tinapos ang aking kain dahil maliit na tuna lang naman ang aming ulam, dinagdagan ko lang ng konte na asin para kahit paano magkasya sa aming tatlo. " Ako na ate bahala dito, matulog ka na. " Tumango ako sa aking kapatid at nag sipilyo ng ipin. Nahiga ako sa aking kama at inabot ang isang botelya na maliit. Ito ang aking panlaban sa mga gabi na hindi ako makatulog dahil sa kirot ng aking likod at mga braso. Pinahid ko na nga ang berde na likido, para akong aswang na kailangan ng mantika para tumubo ang pakpak sa likod. Napapailing ako dahil malapit ko ng kausapin ang aking sarili dahil sa nakakabaliw na sitwasyong meron ako. Ipinikit ko na ang aking mga mata at kaagad ko naman nahanap ang antok. " Ate Mari, gising na! Alas singko na may pasok ka pa! " Tinig ni Mar na nang gigising sa akin. Pero nakatalikod. Pagtingin ko sa aking sarili, napailing ako dahil nakatulog pala ako ng hubo't-hubad. " Ate naman! Sinabi ng kahit naka panty ka lang matulog ay ayos na, kesa naman ganyan na kita na ang lamanloob mo! Kakadire ka. " Sabi nito na tinawanan ko lang. Tumayo na ako at nagtapis ng tuwalya sa katawan. Mabilis akong naligo at nagsuot ng uniporme, natutuwa ako na nakapag luto na si Mar mabilis akong kumain at unabot ang isang daan kay sa aking kapatid. " Tipirin mo yan ha?, wala na akong pera na iba. Mamaya bumili na lang kayo ng noodles at manguha ng malunggay sa bakod natin para may sustansya ang katawan natin kahit papano. Baka gabihin pa ako dahil maghahanap pa ako ng pera. " " Sabi ko sa'yo ate hihinto na lang ako at tutulong na lang sa bukid, kapag nakapagtapos ka na saka mo na lang ako pag-aralin. " Giit na naman ng kapatid ko na hinaplos ko ang mukha at hinalikan sa noo. Hindi ko pinansin ang kanyang sinabi dahil baka mag talo na naman kami at mauwi sa tampuhan ng matagal. Nangyari na 'to dati at ayaw ko na maulit muli. Hanggat maari ayaw ko ng kasamaang loob at kaaway, marami na akong problema kaya ayaw ko ng dagdagan pa. Binilisan ko ang aking hakbang dahil maglalakad lang ako patungo sa sakayan ng jeep, singkwenta lang ang pera pera sa akin, kung mamasahe ako at mababawasan ito ng dose pesos ay sayang, pagdating ko sakayan ng jeep ay pinunas ko ng panyo ang aking pawis at uminom ng tubig na baon ko. Pumasok na ako sa loob at inabot ang dose pesos na bayad. Ipinikit ko ang aking mga mata pero ramdam ko at alam ko ang nangyayari sa paligid ko. Ilang sandali lang nga ay nakarating na ako sa Academy, mabilis akong naglakad at naupo sa aking silya. Sakto naman na magkasunod lang kami ng aming professor na si Miss Minchin. " Mari, kain tayo sa canteen. " " Yan ang gusto ko sa'yo Luna!, sa lahat ng narinig ko yaan ang pinaka nagustuhan ko ngayong araw. " Napapailing na lang ito kaya hinawakan ko ang kanyang braso at naglakad kami patungo sa kainan. Nagulat ako ng hawakan ng babae ang aking braso at titigan ang aking mga kamay. Nakayuko ito at alam ko na umiiyak na anamn ito kaya inangat ko ang kanyang mukha at pinahid ng aking kamay ang pisngi niya na basa na sa luha. " H'wag ka ng umiyak, ayos lang ako. Sanay na ako sa mga sugat nito. " Sabi ko sabay ngiti, hindi ito nagsalita at nakita kong hirap siyang lunokin ang kinakain. Alam ko na nasasaktan ito para sa akin pero wala din magawa dahil pareho lang kaming nag-aaral pa lamang. Bumalik kami sa aming silid aralan at ilang professor pa nga ang pumasok at saka ang uwian. " Sama ka sa akin sa boarding house? " " Hindi na siguro bes, uuwi na ako hahanap pa ako ng pagkakaperahan. " Hinawakan niya ang bisig ko at hinila ako patungo sa aming boarding house. Pagpasok pa lang ay inilabas na niya ang tinapay at palaman saka kape. " Timpla ka Mari, magbibihis lang ako. " Sabi niya na mabilis ko namang ginawa, pagkaupo niya ay kumain din ang babae at wala ni isa sa aming nagsasalita. " Iihi lang ako bes, pagkatapos ay uuwi na ako. " Sabi ko sa babae na tinanguan lang niya ako. Nakasalubong ko pa sa labas ang landlady at binati pa ako. May tao kasi sa loob ng banyo nila Luna sa silid mga katabi niyang kama. " Bes! Uuwi na ako, baka gabihin pa akong masyado. " Hinalikan ko si Luna sa pisngi at mabilis na akong naglakad papalayo. Sumakay ako kaagad ng jeep at nag tricycle na din dahil madikim ng masyado. Ayaw ko sanang pumunta sa boarding house dahil alam ko na gagabihin na ako at hindi na ako makapag lakad pa. Pero hindi ko kayang tanggihan si Luna. Mabilis akong nakarating sa bahay at tulog na nga si Nene. Pagbuklat ko ng mga nakatakip sa lamesa ay may ulam ba lechon manok at kanin. Saan kaya galing?, tanong ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD