CHAPTER: 6

1131 Words
Dahil wala naman kaming hinihintay na kamag-anak ay inabot lang ng tatlong araw at dalawang gabi ang lamay ng aking mga magulang. Para saan pa at patatagalin?, nakakatuwa lang na may mga nagpapadala na sponsor ng mga kutkutin at mga kape, ang sabi kay Mario ay mga kaibigan daw nila Tatay na taga Syudad. Labis na naman ang aking pasasalamat at hindi na kailangan na bawasan pa ang abuloy nila, malamang pang kuryente lang ito ubos na. Kailangan ko mag-isip ng pagkakakitaan para kahit paano may pagkukunan ako ng baon ang mga kapatid ko. Hanggang sa araw ng libing ay marami ang nakidalo at pumunta sa simenteryo, hindi ko nga alam kong ano ba ang trip ng insurance agent na si Jab at hanggang ngayon ay lagi pa rin nasa tabi ko. " Mari, nanliligaw ba sa'yo si Jab? " " Hindi pa bes, ano mag pa buntis na ba ako kaagad? " Tanong ko na may halong pagbibiro sa aking kaibigan. Ngunit kinurot ako nito aking tagiliran. " Bakit nandito pa yan? " " Alangan ipagtabuyan ko?, baka may task din ang mga insurance agents sa kanila, baka hanggang libing?, ganun. " Hindi na ito umumuk at tumango na lang kaya tinitigan ko lang ang mga tao na paalis na ngayon. Naiwan kami ni Luna na nakaupo at nalililiman ng tolda. " Alam mo Mari, gusto ko talagang yumaman sa hinaharap. Gusto ko magkaroon ng mansion, tapos isasama kita at mga kapatid mo. Sama-sama tayo nila Nanay. " " Pangarap ko din 'yan bes, basta kung sino unang yumaman ha? " Sabay kami nag pinky swear ni Luna at napatingala. Pinahid ko ang aking luha at tumayo. Naglakad ako patungo sa pinag libingan na parte ng kabaong nila Nanay. " Wala na akong luha Nanay, Tatay. Paano ba 'to?, aalis na kami ha?, maiwan ko na muna kayo. " Sabi ko sa aking mga magulang sabay sabi kay Luna na uwi na kami. Pagdating sa bahay ay may mga matatanda na naglilinis, may tubig na mayroong dahon ng bayabas sa maliit na palanggana. " Aling Cora!, sino bagong tuli at may panglanggas dito sa buto (Tete) ? " " Susmaryosep kang bata ka Maria!,hugasan mo kamay mo diyan at ng hindi sumama ang espiritu nila Nanay mo dito s bahay ninyo. " Timango na lang ako pero hindi ako naghugas, mukhang kadire eh. Kahit hindi ako maputi eh maselan din naman ako. Pagpasok ko sa bahay ay tinanong pa ako ng matanda kung nag hugas na daw ako ng aking kamay?, kako ay oo, kahit ang totoo ay hindi. Dito talaga malalaman kung totoo ang pamahiin nila o hindi. " Aking Cora, bakit nagwawalis na kayo?, akala ko ba ay bawal maglinis?, eh santambak na nga ng basura ang palibot ng bahay namin. " " Tapos na Mari, pwede nang maglinis. " Tumango na lang ako, nung nakaraan nga ay nakurot pa ako ng matandang 'to sa tagiliran dahil nagwalis ako sa loob ng bahay at nag moped pa ng sahig at nilagyan ko ng zonrox para 99.9% germs ang patay. Nakatingin ako sa mga tao na kumakain ng pancit dito sa aming bakuran mga nakipaglibing kanina at ang iba ay mga nakikain lang talaga. Patay pero pancit for long life, gugulo din ng pamahiin eh. " Aling Cora, kapag kinain ko ba 'to safe na ang buhay ko? " Pangungulit ko pa na tanong sa matanda na aming kapitbahay, pero natahimik ako ng katabi na pala nito si Luna at masama ang tingin sa akin. Nag senyas na lang ako sa aking kaibigan ng peace sign. Lumapit sa akin si Luna at tumabi ng upo. " Ikaw napaka mo, pinagtitripan mo 'yong matanda, eh 'yon na lang nga ang natitira dito na hindi masyadong chismosa. " Sabi ng aking kaibigan na tinawana ko lang. Napaka seryoso talaga ng isang ito sa buhay. Sana lang ay ligawan na 'to ni Axel dahil delikado na maging matandang dalaga 'to at mas lalong sumongit. " Mari, uwi na ako bes. Okay ka lang ba na iwanan ko? " Tanong ng aking kaibigan na may nag-aalalang boses at bakas sa mukha nito ang lungkot at awa para sa akin. Kaya ngumisi ako at tumango. " Nabuhay nga ako ng ilang taon na wala ka, gulong-gulong lang sa higaan at uha uha lang, ngayon pa ba ako matatakot? " Pang-aasar ko dito na natawa din naman ang aking kaibigan sabay iling at halik sa aking pisngi at naglakad na palabas ng aming bahay. Malinis na ang paligid at nakahiga na nasa loob si Mario at Nene. Pero ako nanatiling nakaupo sa salas. Isinara ko ang pintuan at tinungo ang aking silid. Hinubad ko lahat ng aking saplot at nahiga. Ngayon na nakalapat na ang aking likod sa higaan ay saka ko naramdaman ang pagod. Nag aagaw na ang aking antok at wisyo ng biglang may kumatok. " Bwesit! " Sabi ko sa mahina na tinig sabay nakapikit ang isang mata na naglalakad patungo sa pintuan. Sinilip ko sa bintana kung sino ang tao at ng makita ko na si Jab ito ay kaagad kong binuksan ang pintuan. Nagulat ako ng itulak ako nito papasok sa loob sabay sarado ng pinto. Hala ito na ba ang pinapanood ko sa mga palabas?, 'yong part na naghahalikan 'ang babae at lalaki?. Ipinikit ko na ang aking mga mata at ready na ng biglang magsalita ito. " Look at yourself lady! Ganyan ka ba kahit kanino?, nakahubad na haharap sa tao?! " Sigaw ng lalaki sa aking mukha, tinitigan ko ang mukha nitong namumula at kunot na kilay. Napaka gwapo dun talaga ng isang 'to. Parang ang sarap magpabakibag sa kama. " Hey! " Sigaw pa nito kaya para akong nahimasmasan na ibinaba ang aking tingin patungo sa aking katawan. Huli na ang lahat para itago ko pa dahil nakita na niyang lahat! Kaya patay malisya ako na tiningnan ang mukha ng lalaki. " Ano ba ang sadya mo?, antok na antok kasi ako. " Lumabas ito saglit at ipinasok ang ilang kahon sa loob ng bahay at nag abot ng sobre sa akin. " My deepest condolences for your lost my lady. " Sabi ng lalaki sabay yuko. Sinilip ko pa kung tinitingnan man lang niya ang katawan ko, kaso hindi eh! Hinalikan ko ito sa pisngi ng nagpaalam. Bakit?, bet ko lang halikan masama?, ang gentle dog eh! Hindi man lang naakit sa maalindog ko na katawan. Napangisi ako sa aking katangahan at ng lumabas lang ang lalaki ay saka ko ni locked ang pinto at nagpapadyak sabay sabunot ng aking buhok. " Ang tanga mo Maria Ysabelle! " Sigaw ko ng napakalakas, pero nakadinig ako ng malakas na tawa mula sa labas. Pagsilip ko nandoon pa pala si Jab na tumatawa at umiiling. Nakakahiya talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD