Umaga na ng dumating ang labi ng aming mga magulang dito sa bahay. Nakakapanlumo ang pangyayaring ito, halos hindi ko maramdaman ang aking katawan dahil hindi ako nakatulog ang ulo ko naman ay magaan.
" Mari, matulog ka kung ayaw mo mabaliw! Mas kawawa ang mga kapatid mo kapag pati ikaw nagkasakit. "
Wala sa sarili akong pumasok sa loob ng aking silid at nahiga. Subukan ko mang ipikit ang aking mga mata, ngunit mukha ng aking mga magulang ang aking nakikita, ang mga masasayang araw namin na magkakasama. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakahiga, nakapikit lang dahil pilit ko man hanapin ang antok ay mailap talaga ito. Hanggang sa nararamdaman ko na may pumasok sa loob ng aking silid. Amoy lavender at vanilla ito kaya alam ko na si Luna ang aking kaibigan. Maingat at dahan-dahan ang babaeng pumasok at isinara ang pintuan, lumundo ang aking higaan indikasyon na tumabi ang babae sa akin. Hanggang sa nararamdaman ko na yumakap ito sa akin at pigil ang hikbi na umiyak. Alam ko na nararamdaman niya ang aking nararamdaman dahil matalik ko siyang kaibigan. Tingin pa lang ay nagkakaunawaan na kami, ngayon pa kaya?.
" Mari, nandito lang ako sa tabi mo kahit anong mangyari, h'wag ka mahihiya na magsabi sa akin dahil lahat ng meron ako ay handa kong ibigay sa'yo. Tigilan mo na ang pagpapanggap na tulog at malakas dahil bata pa lang tayo kilala ko na likaw ng bituka mo. "
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin kaya idinilat ko ang aking mga mata na upo ng maayos sa kama at humagulgol ng iyak.
" Bes, paano ko bubuhayin ang dalawa kong kapatid?, natatakot ako bes na mamatay sila sa gutom. "
" Nabubuhay nga ang mga pulubi bes sa limos na barya eh, tapos ikaw may bahay na tirahan natatakot pa? "
Gusto kong sapoken si Luna dahil ikinumpara na kami sa pulubi, pero tama naman siya, hindi man ako Santa pero natatandaan ko ang sinabi ng Pastor sa simbahan.
" Kaya't huwag ninyong alalahanin ang bukas, sapagkat ang bukas ang mag-aalala sa kanyang sarili mula sa aklat ni Matthew. "
Pinunas ko ang aking luha at nag hagilap ng maayos na damit sabay labas ng aking silid para maligo. Sakto naman na may lalaking nakaupo sa sala at naka de kwatro pa. Nakita ko na kausap ito ni Luna, lumingon sa aking gawi ang dalawa at kumaway naman si Luna kaya't lumapit ako sa kanila.
" Mari, may educational insurance pala kayong magkakapatid. "
Sabi ni Luna na inabot sa akin ang papel, pahapyaw ko itong binasa, tumikhim naman ang lalaki sa aking tabi at nagpakilala.
" Good morning Madam my name is Jab Montealegre, pakilagyan po ng pirma ang mga may guhit sa baba. "
Sabay abot nito sa akin ng ballpen kaya mabilis na pinirmahan ko ang nasa tatlumpo na papel. Nakakapagod pala kahit ganito lang, kaya pala ang mayaman paimportante. Napailing ako sa aking naisip.
" Halika Sir sa loob, gusto mo po ba ng kape o sopas? "
Alok ni Luna sa lalaki na nilayasan ko na. Patay ang aking mga magulang kaya wala akong karapatan na lumande. Pero mukhang masarap mangbalibag ang lalaki sa kama, ang laki ng katawan at ang tangkad pa. Mabagal ako na lumapit sa labi ni Nanay at Tatay na magkatabi lang. Hinaplos ko ang salamin ng kabaong ni Tatay.
" Tatay, ang gwapo mo pa rin para ka lang natutulog d'yan. Mamimiss po kita, ang mga biro mo sa akin na ganda lang talaga ang meron ako. Sana po magamit ko ang ganda lang na 'to. Natatakot po ako pero nagtitiwala ako sa Panginoon na makalaya ko ang lahat ng ito. Magpahinga na po kayo at ako na ang bahala sa mga kapatid ko. "
Pinahid ko ang aking luha at ginawi ko ang aking tingin kay Nanay, hinaplos ko ang salamin at pinakatitigan ang mukha nito. Kamukha siya ni Mario, nagkaiba lang sila sa noo at kilay na nakuha naman ng kapatid ko kay Tatay.
" Nanay, nang bigla po kayo. Sana pala hindi ko na lang kayo nilayasan sa Plaza, namamaalam na pala talaga kayo noong linggo. Sorry po Nay, pangako ako ang bahala gagawin ko ang lahat para mabuhay ko ang aking mga kapatid. Bantayan mo po kami palagi mula sa langit ha?, namimiss ko na po ang mga titig mo na matalim sa akin at ang mga pag ismid mo kapag waley ang mga jokes ko. "
Pinahid ko ang luha at naupo sa unang hanay ng mga upuan na momoblocked sa harapan.
" Masarap ang sopas, ikaw ang nagluto? "
Tanong ng lalaki na tumabi sa aking pagkakaupo. Nilingon ko ito at tiningnan.
" Masarap? "
" 1 to 10 ? "
" 10 "
" Hindi kasi ako ang nagluto, si Luna! Kung ako?, hindi mo yan makakain. Mag da-dialisis ka dahil magkaka bato ka sa apdo. "
Paglingon ko sa lalaki ay namumula ang mukha nito dahil sa pigil ng pagtawa.
" Itawa mo 'yan dahil kapag pinigilan mo utot 'yan! Nakakahiya sa mga makikilamay na magdo-dinasyon kapag naamoy, ma bokya pa ang merienda ng ibang nagsusugal sa labas. "
" Hahahahaha, hahahaha nakakatawa ka! "
Hindi napigilan ng lalaki na humalakhak ng malakas na hinampas ko ang braso dahil nakakahiya sa mga tao na nakatingin, lalo na sa mga chismosa na wala namang abuloy pero balik-balik kung mag kape. Baka kami pa ang hot issue nila habang sumisimsim ng mainit na kape, akala mo mga nasa coffee shop eh.
" Ang sakit ng kamay ko, bato ba ang katawan mo?, may abs ka ba? "
Tanong ko na seryoso ang tono kaya't parang nahihiwagaan na tumango ang lalaki sa akin.
" Patingen. "
" Manahimik ka nga Maria Ysabelle, baka sama kita sa magulang mo! Nagawa mo pang humarot. "
Sabay kami na napatingin sa gilid ng nagsalita si Luna, napaka sungit talaga nitong sinauna na babaeng 'to.
" Naglilibang lang naman eh. Napaka mo! Panget mo ka bonding. "
" Kapag hindi ka nanahimik Mari susungalngalin ko bunganga mo. "
Sabi pa nito na ang tono ay parang si Lovi Poe, ganon ito ka hinahon magsalita, napaka elegante at mahinhin. Galit na pero parang nag lalambing pa rin. Nanahimik na ako at nag aktong sini-zipper ang aking bibig.