Nagluluto ako ng almusal ngayon ng biglang nabitawan ko ang garapon na lagayan ng asin, nabasag ito ng halos pino sa sahig namin sa kusina na sementado. Habang nagwawalis ako ay hindi maipaliwanag ang kaba na aking nararamdaman. Pilit ko itong binalewala dahil may pasok pa kami ng aking mga kapatid sa paaralan. Mabilis akong kumilos at ginising ang aking dalawang kapatid. Malayo ang aking pinapasukan na paaralan kaya madaling araw pa lang ako kung umalis ng bahay.
" Mario, ikaw na bahala kay Nene na magsuot ng sapatos ha?, inayos ko na ang baon ninyo bumili ka na lang ng ulam sa canteen at hatian mo si Nene, ilagay mo din sa kanyang bugong. "
Bilin ko sa aking kapatid na tinanguan naman nito. Hinalikan ko silang dalawa sa pisngi at nagmamadali ako na umalis. Nakapagod ang mag biyahe papasok araw-araw, gusto ko nga sana na mag boarding house na lang katulad ni Luna na doon natutulog, kaso nagbayad lang ako pero hindi ko naman ma-ukopado dahil hindi ko naman kayang iwanan ang mga kapatid ko lalo pa at wala naman silbi si Mario at puro barkada lang ang alam.
Pagdating ko sa school ay nakita ko kaagad si Luna na naka upo na sa kanyang pwesto, nanunulis ang nguso nito na nakatingin sa akin. Hinalikan ko ang babae sa pisngi bilang pagbati.
" Ang tagal mo naman Mari, saan ka ba galing? "
" Sensya na bes, ang tagal magising ni Mar eh, tulog mantika. "
Ilang teacher na nga ang pumasok sa aming silid aralan hanggang sa nag-uwian na.
" Mari, bili muna tayo ng palamig at banana que sa daan, nagugutom na ako bes. "
" Sige ba! Basta, you know the drill. "
Sabi ko sa aking kaibigan na tumango naman kaagad. Siya ang nag- aya kaya siya ang manglilibre. Nauna ko na nga ibinigay ang tinakal na palamig sa plastik ng tindera kay Luna, mukhang gutom nga ito.
" Flash report! Kadarating lamang po na balita. Isang truck ng mga gulay ang tumilapon sa bangin dahil nagsalpukan ng sang ten wheeler truck na laman naman ay mga graba. Napag alaman na may sakay ang maliit na truck, isang babae at lalaki na pinaghihinalaang mag-asawa. Ang buong detalye ay malalaman mamaya alas otso ng gabi sa balita ngayon, abangan! "
Nabitawan ko ang hawak kong palamig dahil sa napanood ko na balita! Hindi ako maaaring magkamali, truck namin 'yon. Natulala ako at hindi makagalaw sa dahil sa masamang balita. Wala sa sarili akong naglalakad patungo sa sakayan ng mga jeep ng bigla akong hilahin ng isang lalaki.
" Stupid! "
Narinig ko na sabi nito pero hindi ko binigyan ng pansin, kung sa ibang araw siguro baka nakipag murahan pa ako. Si Luna naman ay hinihingal na hinawakan ang braso ko.
" Uuwi na din ako Mari, sasamahan na lang kita baka maaksidente ka pa. "
Tumango na lang ako sa aking kaibigan bilang pagsang-ayon. Habang nasa byahe pakiramdam ko ay gumagalaw ng mabagal ang mga tao sa paligid ko pero wala akong madinig na boses mula sa kanila. Nakita ko na nag abot ng bayad si Luna at ilang sandali ay hinila ako patayo mula sa pagkaka-upo para bumaba ng sasakyan. Pagdating sa kanto ay sumakay kaming muli ng tricycle at ibinaba sa daan sa mismong tapat ng aming bahay. Halos natulala ako sa aking nadatnan sa bahay, inaayos na ang pagbuburulan ng aking mga magulang. Nakatulala lang ako at hindi ko kilala kung sinong mga poncio pilato ang nag-aayos sa bahay namin. Mugto ang mata na lumapit sa akin si Mario at hinalikan ako sa pisngi at si Luna bilang pagbati. Nang lumapit sa akin si Nene na umiiyak ay saka lang nag sink-in sa akin ang lahat. Napaupo ako at saka tumulo ang masaganag luha sa aking pisngi.
" Ate Mari, paano na po tayo?, iniwan na tayo nina Nanay at Tatay. "
Hindi ako makapagsalita kaagad dahil hindi ko alam ang sagot sa kanyang tanong, si Mario ang bumuhat kay Nene na umiiyak na sinisinok na. "
" Mario, painomin mo muna ng tubig si Nene at magsaing ka ng kanin, binili na lang ako ng de lata na ulam natin. Hindi ko kayang kumilos ngayon, baka masunog pa ang bahay natin at magkanda leche-leche pa lalo ang buhay natin. "
" Uuwi muna ako Mari, h'wag na kayo bumili ng ulam, magdadala na lang ako dito, hintayin ninyo ako. "
Tumango ako sa aking kaibigan at niyakap naman ako ng babae sabay hinalikan ang aking ulo. Nakatingin lang ako sa mga lalaki na labas pasok sa aming tahanan at nag aayos sa sala at kabas ng aming bahay, may nagkakabit ng tolda para umulan o umaraw man ay safe ang mga nakikiramay. Merin naman naglagay na ng bakal kung saan pinapatong ang ataul. Marami din bulaklak na madalas ko makita sa patay. May lumapit sa akin na lalaki inabot ang papel para pirmahan, sa funeral homes daw 'yon. Naramdaman ko na may tumabi sa akin ng upo, hindi ko siya nilingon pero alam ko na si Mario ang kapatid ko itong lalaki.
" Paano na tayo ate? "
Nilingon ko ang aking kapatid na nag-aalala at nagluluksa. Alam ko na ang tinutukoy nito ay kung paano na kami kakain.
" Hindi ko alam ang sagot sa tanong mo Mar, basta ang ala, ko lang ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, kung paano?, 'yon ang bahala na. "
Napansin ko ang isang lalaki na nasa pintuan lang namin na may kausap sa cellphone at nilibot ang paningin sa paligid. Hindi ko na ito pinag aksayahan pa ng oras at hinarap ko ang aking kapatid at niyakap.
" Ate, natatakot ako. Ano ang alam natin?, hindi naman ako matatanggap sa bayan kahit kargador dahil menor de edad pa ako. Paano na ang pag-aaral natin nito?, hihinto na ba tayo? "
Halos mabaliw na ako kakaisip sa kung ano ang sagot sa tanong ng aking kapatid, gusto ko itong sakalin ngayon dahil na pe-pressure ako lalo sa mga sinasabi nito. Hindi na lang manahimik. Pero dahil alam ko na nag-aalala lang ito ay ang bingi-bingihan na lamang ako.