Araw ngayon ng linggo at masaya ako dahil family day namin. Maaga akong nagising para magsaing ng kanin at magluto ng noodles, sosyal to kase with egg and malunggay. Sa ganito lang sumasarap ang luto ko kahit paano, h'wag lang masosobrahan ng tubig para hindi tumabang.
" Nene, Mar gising na kayo! Kapag luto na ako ng almusal natin. "
" Good morning ate, ano po ang araw ngayon? "
" Linggo, magsasamba tayo kaya bumangon na kayo para makapag almusal na at diretso ligo na dahil marami tayo gagamit. "
Iniwan ko na ang dalawa ng makita ko na naupo na mula sa pagkakahiga. Naglagay ako ng basahang bilog na patungan ng kaldero namin na ilalagay sa gitna ng lamesa at naglagay ng mga plato baso at kutsara, lahat nasa mahabang kamesa namin dahil ayaw ng aking ina na maya't-maya ang tayo kapag kumakain, gusto niya ay sabay-sabay kami tatayo kapag tapos na.
" Bilisan ninyo ang kilos, maagang sumikat ang araw mahapdi sa balat ang init kaya mag samba na kaagad tayo at ng maka pamasyal. "
Sabi ni Nanay na may pagka istrekta ang tono ng kanyang boses. Mabilis kami na naupo at nagdasal si Tatay, pagkatapos ay sinimulan na namin ang kumain. Naunang naligo ang mga kapatid ko sa banyo dahil si Tatay at Mar ang nagbubuhat ng tubig na dinadala sa banyo. Huli akong naliligo dahil ako pa ang naghugas ng mga plato at nagwawalis ng sahig.
Mabilis lang akong naligo at napili ko ang skinny jeans rubber rubber shoes at simpleng polo shirts. Naglagay ng pulbo sa mukha at lipstick na manipis inilugay ko lang ng mahaba ko na buhok at okay na!
" Mukha ka ng tao ate, ang ganda mo. "
" Salamat Mar, ang pangit mo! "
Sabay tawanan namin, ganito kami mag asaran magkakapatid. Si Nene naman ay tinatalian pa ni Nanay ng buhok.
" Ate, kasing ganda na ba ako ni ate Luna? "
" Ako ang kapatid mo Maria Luisa hindi si Luna, dapat ako ang gusto mo gayahin hindi siya. "
" Pero ate gusto ko siya dahil mahinhin at napapanganga ang mga tao kapag dumaraan siya, ikaw naman kasi inaaway mo ang nakasalubong mo. "
" Kapatid ba talaga kita?, grabe ka sa akin ah! "
Pinagtawanan pa ako ng mga kapatid ko at si Tatay huling huli na nagpipigil ng tawa habang si Nanay ay umiiling lang.
" Nanay, bakit ba lahat kayo maputi ang balat?, bakit ako lang ang morena?, amoon lang ba ako?. "
Wala sa sarili ko na tanong sabay yuko sa sahig. Akala ko ay boboskahin ako ni Tatay pero mahabang katahimikan ang namayani sa loob ng aming sala.
" Hala ampon talaga ako? "
" Manahimik ka nga Maria Ysabelle para kang may sapi, kung hindi ako ang Nanay mo eh baka yung baliw sa plaza total kasing kulay mo din ang balat. "
Sabi ng Nanay ko na may halong pang aasar, umiiwas ito na tingnan ako habang nagsasalita habang si Tatay ay nauna ng lumabas ng bahay. Kung sa pagmamahal lang sapat na sila sa akin, pero pakiramdam ko talaga ay maraming tinatago ang aking mga magulang. Unang una bawal kaming pumasok sa kanilang silid. Naalala ko pa noong nag tagu-taguan kami ni Mar at doon kami nagtago sa loob ng silid, paglabas namin pareho kaming pinadapa sa upuan na kahoy at pinalo ng sinturon ang aming pwet. Sabi ni Tatay ang batas ay ginawa para sundin, kaya tinandaan namin ang kanyang sinabi. Pero hindi ko makakalimotan na sa isang baul na lagayan marami doong baril na nakatago at mga naka plastik pa. Hindi na ako nag tanong dahil bata pa ako noon. Kaya nasanay kami na kapag ayaw umimik sa tanong mo o ayaw sagutin, h'wag na mamilit pa. Isa din 'yan sa sikreto namin ni Luna kaya nagtagal kami bilang magkaibigan.
" Oh tara na! Na padlock ko na ang mga pintuan. Ang walit mo Tatay dala mo ba?, ikaw Mari ang pulbos at panyo? Mar ang tubig? "
" Okay na po! "
Para kaming nag sabayang bigkas lahat sa tanong ni Nanay na pare-pareho naman ang naging sagot namin.
" Mari, sa'yo pinagkakatiwala ang mga kapatid mo, sana ay h'wag mo silang pabayaan kahit ano ang mangyari anak. "
Sabi ni Nanay na tinitigan ko lang sa mukha na para bang nahihiwagaan.
" Masaya ako anak na napalaki kitang maayos at mapagmahal na bata, ikaw ang pinaka katuparan na misyon mo dito sa lupa. Kahit anong mangyari ako ang Nanay Yolando mo at Tatay Pacundo mo ay proud sa'yo. "
" Nay naman, bakit ganyan ka magsalita?, nakakaiyak naman! Ayaw ko na ngang tumbi sa'yo ng upo. "
Sabi ko sa matanda na tinawanan lang ako, nandito kami ngayon sa Plaza at Parke ng aming bayan. Sila Tatay naman ay nasa baywalk kami lang ni Nanay ang nandito tapos nag dadrama pa. Inakbayan ako ni Nanay at tinungo ang baywalk na nasa gitna ng dagat, tanaw namin ang papalubog na araw. Ang ganda tingnan ng kalangitan, namumula ito at naka kalat habang kita ang anino ng mga dahon sa dagat.
" Uwi na tayo mga anak, mukhang inaantok na si Nene. "
Sabi ni Tatay na tinanguan namin at magkakasabay kaming naglakad patungo sa sakayan ng jeep. Tapos sakay ulit ng tricycle na maghahatid sa amin hanggang sa tapat ng aming bahay. Nagsaing ako kaagad pagdating pa lang namin, may dala naman kaming lechon manok na pagsasaluhan. Ganito kami kapag linggo kung ano ang gusto namin na ulam ay siyang binibili nina Tatay at inuuwi sa bahay, habang nasa labas naman kami ay unli kain ng mga streets food. Kaya't kahit late na kami mag dinner ay ayos lang, busog pa naman.
" Nene, magbihis ka na muna bago ka mahiga! Magpalinis ka kay ate mo Mari. "
Dinig ko na sigaw ni Nanay mula sa kanilang silid kaya kaagad akong pumunta sa sala at binuhat si Nene at hinubaran ng damit hinilamosan ko sa banyo at binihisan ng pantulog na pares ng pajama.
" Ate inaantok na ako, matutulog na 'ko pwede ba? "
Tinanguan ko ito at inilapag sa kama dahil antok na antok na talaga, naghahabulan ba naman silang tatlo kanina nila Tatay at Mar, kaya ngayon napagod ang bata.
" Good night, ate Mari. "
Sabi pa nito bago pumikit, ako naman ay hinalikan na ito sa noo. Kumuha ako ng damit at tinungo ang banyo, mabilis akong naligo para presko bago matulog mamaya. Medyo inaantok na din ako. Pagdating sa aking silid ay kinuha ko ang aking cellphone at nag picture with caption "Maganda ako ngayong gabi" na kaagad naman nag comment ang kaibigan ko na si Luna ng "Saang banda?" Minsan talaga likas sa isang 'yon ang pagiging bully, simple lang pero laitera din talaga. Pag scroll ko ay nakita ko ang larawan ni Axel Villaflores, ang crush namin ni Luna. Gwapo ito at may abs, isa pa mabait kaya tuwing dadaan sa harap namin ay para kaming bulate na naasinan magkaibigan. Pero si Luna ang mas kinikilig sa lalaki ako ay medyo lang naman, sabi ko nga kapag niligawan siya ay go na dahil good cath naman, mukhang may gusto din kasi sa kanya nahihiya lang siguro umamin. Sino ang hindi?, nakaka intimida naman kasi ang itsura ni Luna, kami nga parang kape at gatas. Minsan parang gusto kompa tawaging anak dahil maliit na babae lang ang aking kaibigan, samantalang ako matangkad.