CHAPTER: 2

1278 Words
Naglalakad kami ni Nene patungo sa bahay nila Luna, bibili ako ng manok na pang tinola dahil request nito, hiramin ko muna ang inabot ni Mario kanina at bayaran na lang ni Nanay mamaya. " Beshy Luna!!!! Yohoooooopo! " Sigaw ko na kaagad naman lumabas ang diwata ng isla, mahinhin itong kumilos at mabagal na naglakad patungo sa bakod kung saan kami nakatayo. " Bakit ka ba laging sumisigaw?, hindi ako binge nakakagulat ang bunganga mo na megaphone ang lakas! Napaka eskandalosa mo. " Nakasimangot na sabi niya sa akin na nginitian ko lang sabay halik sa pisngi nito sabay lakad patungo sa loob ng kanilang bahay. " Pabili nga bes ng manok yong halagang isang daan lang. " " Hay nako Mari, sa palengke ka bumili walang ganon dito, napaka barat mo. " " Try lang kung makakalusot eh, ang sungit mo naman may regla ka? " Pang-aasar ko dito na tinitigan ako ng masama kaya tahimik ako na naglakad para mamili ng native chicken na bibilhin ko. Ang halaga na dalawang daan nilang manok ay dalawang ulaman na namin dahil talagang sabaw pa lang ulam na. " Bes ito bayad ko. " " Ano ba ang luto na gagawin mo dyan bes?, kung tinola manguha ka na rin ng papaya at malunggay, kung sinampalukan naman ay may sampalok na mababa doon sa dulo pwedeng kunan ng talbos. " " The best ka talaga bes! Sige Nene, maiwan ka dito mangunguha lang ako. Maki merienda ka na din, marami yan laging tinapay . " Napapailing na ginaya ng aking kaibigan sa kanilang kusina si Nene kaya mabilis ako na kumilos at hinanap ang panungkit nila at naglakad na papalayo, masipag ang mga magulang ni Luna kaya marami silang produkto, isa pa may minana na lupain kaya ako ang buraot na bestfriend maraming nahihingi, isa pa mabait ang magulang ni Luna, wala akong masabi sa kanilang pamilya. Nanguha lang ako ng isang katamtamang sukat ng papayang hilaw at kumuha ng ilang palapa ng malunggay, habang naglalakad na daanan ko ang tanim na sili kaya nanguha na din ako ng tatlong piraso. Sulit ang dalawang daan! " Salamat bes, sulit ang dalawang daan hahaha. " " Bakit hindi ka pa nanguha ng kamatis?, maraming himog ah. " " Teka bes, nilalagyan ba ng kamatis ang tinola? " " Ewan ko sa'yo Mari umuwi na kayo, maghanap ka ng kausap mo, nakakabobo ka. " " Bye Nene, ingat kayo. H'wag mo bigyan ng tinapay ang ate mo huh?, mamaya kainin mo yan sa daan. " " Tingnan mo 'to! Tinuturuan mo pa maging madamot ang kapatid ko. " Sabi ko dito habang nakasimangot, inabot naman niya sa aking ang plastik bag at nilagay ko ang mga gulay, ang manok naman ay nakatali ang mga paa kaya binitbit ko na lang sa buntot. Alam ko naman na pang dalawang tao ang binigay 'non na tinapay o baka higit pa, ganon lang talaga si Luna magsalita akala ng iba masungit pero para sa akin, the best sa lahat. " Ate, sabi ninate Luna tig iisa daw tayo nila kuya ng tinapay, ang bait talaga ni ate Luna ano?, napaha hinahon pa magsalita kahit nagagalit na sa'yo kanina ang lambing pa rin ng boses. " Natawa ako na ngumiti lang sa aking kapatid, bukod sa pamilya kung may taong malapit sa puso ko, si Luna lang 'yon. " Sino maganda sa amin Ne? " " Syempre ate pareho kayo maganda, ikaw kasi morena si ate Luna tisay. " " Galing mo din magpaliwanag ah. " Habang naglalakad ay nadaanan namin ang mga lasinggero na kapitbahay at umpkan ng mga asa-asawa nila na nag-uusap tungkol sa buhay ng iba. " Mari, mukhang masarap ulam natin ah, bayad ba yan o buraot lang? " " Ikaw Tope, may bayag ka ba o iyot-iyot lang?! Trabaho din kapag may time h'wag asa ng asa sa nanay na nasa ibang bansa tapos ikaw puro panganay ang anak. " " Tang*nang bunganga mo kahit kailan ang sama! Hindi ka man lang nahawa ni Luna sa kabaitan ang sa pagiging mahinhin. " " Tang*nang mukha mo yan ang sama, kasing sama ng ugali ng asawa asawahan mo na nakatitig sa akin kala mo maganda! " Naglakad na kami ni Nene dahil hindi na sumagot pa, akala nila papatalo ako sa kanila. Laki ng inggit nila sa akin dahil malapit ako sa pamilya nila Luna na laging takbuhan ng mga tao dito kapag nanghihiram ng pera. Malawak kasi ang taniman ng aking kaibigan at may iilan din silang tauhan, ang mga magulang ko naman ay namamakyaw ng mga gulay sa mga magsasaka at diretso deliver sa syudad. May maliit kami na truck na minamaneho ni Tatay kung saan naka lagay ang mga pinamili nila na ibebenta din sa iba. " Ate, bawasan mo ang asin mamaya sa ulam huh?, grabe ang alat ng luto mo na miswa kanina, baka magkasakit tayo na UTI nito. " " Bakit kaya hindi ilaw Mario ang magluto ano?, dami mo reklamo eh hindi ko naman tinatanggi na hindi ako marunong magluto. Ako nga kanina bawat isang subo ng kanin at ulam isang lagok din ng tubig sa baso eh. " " Paano ate kapag nag asawa ka?, kawawa asawahin mo 'te kung hindi maalat walang lasa ang ulam. " " Aba magtiis sya dahil nag asawa siya ng maganda! " " Dyan ka langbtumama ate! " " Huwag mo akong pinag uuto Mario, katayin mo na ang manok at sahorin mo ng mangko ang dugo lagyan natin ng asin at rekado, masarap yan prito. " " Sige ate, pahinga ka na ako na ang bahala. " " Salamat naman Mario at nagka silbi ka! Tatanawin ko itong malaking utang na loob sa'yo. " Magsasalita pa sana ang kapatid ko ng bumukas ang pintuan at iluwa ang mga magulang ko na mukhang pagod na pagod. Mabilis namin na inabot ang mga dala nilang ulam na ilalagay sa ref at kaagad kami nag mano. " Kaawaan kayo ng Diyos. Anong ulam natin mga anak? " " Tinola po Tay, utang ko kay Luna dalawang daan. " " May laman naman ang ref anak, bakit nangutang ka pa?, ito ibayad mo bukas, sukli ay itabi mo para may pang gastos kayo duto. " " Salamat Tay, si Nene po kasi nag request ngbulam, mahirap po tanggihan nagpapa cute eh. " " Ay siya, kapihan mo na muna kami ng Nanay mo anak at maka meryenda may tira pa bang ulam kanina? " " Marami po Tay. " Sagot ko sabay mabilis na kumilos, may thermos naman kami na lagayan ng mainit na tubig kaya kaagad ko nagawan ng kape sila Tatay at Nanay, hinainan ko na din ng kanin at ulam. Sabay napabuga ng kanin ang dalawang matanda pagkatapos sumubo. " Grabe anak ang alat ng ulam. " " Alam niyo naman po na best chef ako, dapat lagi kayong prepared sa mga niluluto ko. " Natatawa ako na kumuha ng baso at pitsel para sa kanilang inumin. Ang dalawang matanda naman ay umiiling na lang. " Mabuti na lang anak at maganda ka, bukod doon pang Miss Universe ang tindig mo at magaling ka maglaba. Focus ka lang anak sa kung saan ka magaling. " " Papuri ba yan Tay o pangbi-bwesit? " " Basta mahal ka namin anak, 'yan ang palagi mong tatandaan. " Sabi ni Tatay na niyakap ko mula sa likuran. Maswerte ako sa aking mga magulang na mababait. Si Nanay tahimik lang at hindi pala imik, si Tatay naman ang pinagmanahan ko na napaka kulit at maligalig. Kung tatanungin ako kung ano ang kulang sa buhay ko? Wala! Masaya at kuntento ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD