CHAPTER: 1

1074 Words
" Mari anak, gising na! Aalis na kami ng Tatay mo para mag deliver ng mga gulay sa syudad. Ikaw na ang bahala dito anak huh?, ang mga kapatid mo bantayan mo ng mabuti, isarado ang pintuan pintuan pagkaalis namin, kapag may kumatok h'wag kaagad magbubukas ng pinto, silipin muna sa bintana. " Habilin ni Nanay Yolanda, ang aking ina. Hindi ko talaga maintindihan hanggang ngayon kung bakit kailangan na gabi sila mag biyahe at hindi araw. Noong una ay natatakot din ako kapag naiiwan dito sa bahay dahil noong ay ilang taong gulang pa lamang ako pero dahil nakasanayan na din ay parang balewala na. " Opo Nay! Ingat po kayo ni Tatay sa byahe. " Sabi ko sa aking ina sabay padlock ng mga pintuan para safe. Muli akong nahiga sa kama at nagbalot ng kumot sa aking katawan dahil sa ginaw ng hangin na pang madaling araw. Nagising ako sa tilaok ng manok ng mga kapitbahay namin na sabungero at ingay ng mga kapitbahay na ang aga pa lang ay nag bubunganga na sa mga asawa na ginawang almusal angalak. Dito sa aming purok ay hindi mo na kailangan pa na bumili ng alarm clock, dahil bunganga lang ng mga talakerang nanay ay sapat na para magising ka. Mabilis ako na bumangon at tinungo ang banyo para mag hilamos at mag sipilyo ng aking ipin, pagkatapos ay diretso kaagad sa kusina para mag-saing. Oo, magluto lang ng kanin ang alam ko at mag prito ng itlog at tuyo, minsan sunog pa! " Good morning ate " " Maupo ka na Nene, nasaan ang kuya mo?, humihikik pa ba? " " Hindi po ate, nasa labas na po kaagad naglalaro ng basketball. " Hinainan ko si Nene ng pagkain at pagkatapos ay tinungo ko ang likod ng aming bahay kung saan nakatambak ang aming mga damit na madumi. Kinuha ko ang tatlong batya at sinimulan ko ng paghiwalayin ang puti at de color, ang mga panty, brief at bra ay sama-sama ko naman na kukusotin gamit ang kamay. " Ate tapos na akong kumain! " Sabi ni Nene na tuwang tuwa pa, pero sinimangotan ko ito dahil basang-basa na naman ang damit. " Naghugas ka na naman ng plato?, sabi ng ako na lang eh! Mamaya madulas ka pa sa upuan na tinutung-tungan mo mabagok pa ulo mo baka magka amnesia ka at hindi mo na ako makilala, nako bahala ka! " " Ate naman puro kalokohan, gusto lang kita tulungan. " Ngumiti ako sa aking kapatid at ginulo ang buhok nito. Madalas kung nasaan ako ay nakasunod lang ito sa akin. Hindi naman siya tulad ng ibang bata na mahilig makipaglaro sa mga kaedaran niya, madalas pagmamasdan lang niya ako habang yakap ang kanyang manika at ayos na. Natutuwa ako kasi hindi ko na kailangan pa na tumayo kapag may aabotin dahil maliksi itong utusan. " Ate gusto ko ng tinolang manok na ulam mamayang gabi. " " Sige hihingi tayo kay Nanay ng pera at samahan mo ako na bumili kila beshy Luna ng manok, ipakakatay natin kay Tatay. " " Yehey! Thank you ate ko. " " Your welcome baby ko " Sinimulan ko na nga ang mag salang ng damit sa aming washing machine kasabay ang pag bomba ng tubig mula sa aming poso. Tanging kuryente lang ang aming binabayaran dahil tipid kami sa tubig. Dito din kami kumukuha ng inumin na tubig, sinasala lang namin ng lumang damit para walang dumi kahit konte. Tumayo na ako para isampay ang mga de color damit dahil ito ang inuuna ko na labahan para hindi ma aksidente ng bleach habang nakababad naman ang mga puting damit. " Ne, lipat ka na sa loob doon ka na matulog. Magluluto na ako ng ulam natin alas onse na pala ng tanghali. " Mabilis naman kumilos ang aking kapatid at ako naman ay tinungo ang kusina at sinimulan na magbukas ng de lata, igigisa ko ang sardinas sa malunggay at sardinas na maraming kamatis at lalagyan ko din ng miswa. Nauna ko ng hugasan ang bigas at isalang sa kalan namin na de uling o pugon. " Ate anong ulam? " " Ulam mo ang bola baka sakaling mabusog ka! " Sagot ko sa aking kapatid na nag kamot lang ng ulo at dumiretso sa banyo para maligo. " Bakit ang sungit mo ate?, may regla ka ba? " Napalingon ako sa aking kapatid at tiningnan ko ito ng masama habang hawak ang kutsilyo na gamit ko panggayat ng rekado. " Baka gawin kitang pang lahok sa ulam na niluluto ko Mario! Lumayas ka sa harapan ko at baka hindi kita ma tancha at baka tadtarin kita ng pino, napaka batugan mo! Pagkagising mo diretso sa labas, kahit sana mag saing man lang hindi mo magawa, lumalaki ka na wala kang pagbabago, kapag ako napikon sa'yo ikaw ang maglalaba ng sarili mo na damit! " " Ate naman, sorry na! Pustahan kasi 'yon, nanalo naman ako ng 200 oh sa'yo na 'to. Basta pakape man lang, nagugutom na talaga ako te. " Biglang nanginang ang mga mata ko at hiniklas ang dalawang daan na papel sa kamay ng kapatid ko. Mabilis ko itong sinilid sa aking bulsa at ipinag timpla ko pa ng kape at hinainan ng kanin at ulam. " Kanina lang ate halos isumpa mo ako, ngayon parang sa mga kilos mo ay paborito mo na akong kapatid. " " Mahal naman kita Marco, kaya sana h'wag mo masamain ang mga sinasabi ko. Matuto kang tumulong sa gawaing bahay. Hindi ko kaya ang lahat ng ito lalo pa ang pagluluto, ikaw kahit papano masarap ,ito mo kumpara sa luto ko na kahit ako hirap kainin dahil hindi talaga masarap. " " Sorry na ate, yung pera kasi gusto ko ibili si Nanay ng cake, malapit na ang kanyang kaarawan, bukas pala ate sasama ako kina Ambo sa pag palaw ng niyog, pagkokopra daw sila sayang naman ate ang uling na bao manghihingi ako at syempre mag aabot din ang tatay 'non ng bayad pang dagdag din 'yon ate sa pang cake ni Nanay. " " Basta h'wag kang papagabi ng uwi. " Tumango ang aking kapatid at nagpatuloy na sa pagkain. Hindi naman kami naghihirap, sadyang lumaki lang kami na madiskarte at makapal ang mukha. Tuwing sabado at linggo ganito ang eksena namin. Halos maghapon na wala ang aming magulang at uuwi kapag padilim na, sakto para sa pagkain ng hapunan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD