" Ako na bahala Dave, h'wag ka masyadong mag-alala kay Luna. " Sabi ko kay Dave na nagpapaalam na kailangan niyang umalis at tumungo sa ibang bansa, ilang buwan na din ang lumipas wala akong makita na pagbabago kay Luna at aaminin ko na pinanghihinaan na din ako ng loob. Napatay ko na ang lalaki na kasama niya sa palengke ng araw na tumakas ang aking kaibigan. Si Axel naman ay ginulpi na ni Dave, paano ko pa babasagin ang mukha kung basag basag na?. " Mari paliliguan ko lang ang Nanay ni Luna, ikaw muna tumingin sa kaibigan mo ha? " Sabi ni Mang Inso na ama ni Luna, tumango naman ako at ngumiti. Ang training ko ay patuloy pa din tuwing umaga, nakakalungkot lang dahil malapit na ang graduation namin at pareho kami hindi aakyat ni Luna sa stage. " Mari, mauuna na ako. " Sabi ni Dave n

