" Ate! Ate may naghahanap sa'yo si Jap daw. " Sigaw ni Mar galing sa labas, akmang hahakbang ako palabas ng hawakan ni Keaven ang braso ko. " Ilan ba lahat ang kalaban ko sa'yo?, ha? Para alam ko saan ako lulugar. " Natawa ako na hiniklas ang aking braso mula sa mahigpit na pagkakahawak ng lalaki. " Walang tayo Keaven, maaaring ikaw ang nauna, pero hindi mo ako naging pag-aari, kung ano man ang namamagitan sa ating dalawa ay pareho natin 'yon ginusto, kung hindi mo kaya ang set-up ko wala akong pakialam sa'yo dahil may mga priority ako at hindi kasama doon ang sarili ko. " Sabi ko sa lalaki sabay labas ko sa aking silid. " Mar, Nene pasok muna kayo sa silid n'yo. " Sabi ko sa dalawang kapatid ko na mabilis namang sumunod sa akin. Saka ko pinalabas si Keaven sa aking silid, ang na

