Violet’s Pov HANGGANG sa matapos ang duty ko ay naka posas parin ang kamay ko sa mongoloid na lalaki. Hindi na talaga ako nakapag trabaho dahil nga sa binayaran niya ang gabi ko. Mabuti nalang talaga at hindi niya ako hinila palabas ng bar at dalhin sa hotel. Malakas naman loob ko na hindi niya gagawin yun dahil unang-una ay halatang matino naman siyang pulis. Pangalawa, ay baka masuntok ko na naman ng malakas ang mata niya kapag may ginawa siya sa ‘kin. Subukan lang talaga niya at makakatikim talaga siya ng suntok ni Majin boo. Palabas na ako ng bar pero kasabay ko parin maglakad si Diego. Nakasimangot ako dahil gusto ko ng makawala sa posas pero ang sabi niya ay nawawala daw ang susi no’n. Hindi ko alam kung totoo ba talaga pero hindi talaga ako natutuwa. Nasa tapat na kami ng kot

