Violet’s Pov KANINA pa ako dito sa banyo at kanina pa pinupunasan ang labi ko. Walangyang lalaking yun.. hinalikan ba naman ako. Hindi ko siya nasuntok sa esophagus pero nasuntok ko naman siya sa mata. Nang masuntok ko siya ay dali- dali akong bumaba ng kotse niya at tumakbo papasok ng bar. Siya naman may kasalanan kung bakit ko siya nasuntok. Wala man lang pasabi na hahalikan ako. Nanggigil talaga ako sa lalaking yun. Sa sobrang galit ko ay nakalimutan ko na pulis siya at nasuntok ng malakas. Yari talaga ako kapag nagka black eye siya sa ginawa ko. Naka ilang kuskos na ako sa labi ko saka ako tumigil. Namumula na ang labi ko hindi dahil sa lipstick kundi sa pagkuskos ko. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko nalang ang basa kong labi. Kinuha ko ang lipstick at nilagyan ang labi k

