Violet’s Pov Dalawang araw na din simula ng mangyari ang incidente na muntikan na akong marape. Dalawang araw na din akong hindi pumasok dahil nilalagnat ako. Biglaan nga lang din, siguro ay dahil sa nangyari kaya bigla akong nilagnat. Ngayong hapon ay naghahanda na ulit ako para pumasok sa trabaho. Magaling naman na ako at uminom naman na din ako ng gamot. Hindi kasi pwedeng hindi pa ako pumasok ngayon dahil kailangan ko ng pera. Buti sana kung wala akong bayarin para hindi ako pumasok. Pero ako lang naman mag- isa at wala naman akong aasahang iba kaya dapat lang na pumasok ako. Kumain naman na din ako at tapos na din ako naligo. Yung uniform ko nga ngayon na palda ay hindi ko muna sinuot. Nagsuot na muna ako ng pantalon at balak ko na sa pagdating ko nalang sa bar isusuot ang pald

