CHAPTER 21 “Sir, kasing ganda ko po ba si Lorelei, kaya nasabi n’yong bagay sa kanya ‘yung uniform?” singit ni Pinky sa usapan. “‘Yon nga ang ibig kong sabihin.” “Parang hindi naman,” nakangiwing sabi ni Aling Milagros habang nakatingin kay Pinky. “Asim naman ng mukha n’yo, Aling Milagros. Nagpapak po ba kayo ng sinigang mix?” nakasimangot na tanong ni Pinky. “Pero ‘di kasing asim ng kilikili mo, Pinky,” sagot naman ni Aling Milagros na nagpatawa sa amin maliban kay Pinky na nakanguso at kay Lucas na ang seryoso pa rin ng mukha. Bakit kaya parang bad trip na naman siya? Masama kaya ang gising niya o may taong nakasira ng araw niya? Basta sigurado akong hindi ako ‘yon, dahil hindi naman niya ‘ko pinagalitan kahit na nakita niya ‘kong nagluluto dito sa kusina. “Lorelei, where can I se

