CHAPTER 20 “Dark side po?” usisa ko pa rin. “May ibibigay nga pala ako sa ‘yo. Kukunin ko lang sa kwarto ko.” Hindi niya sinagot ang tanong ko at tumayo siya’t lumabas ng kwarto. Habang hinihintay ko siya’y napapaisip ako sa sinabi niya. Ano kayang dark side ang tinutukoy niya? Tungkol kaya ‘yon sa mga naunang babae na dinala niya rito? Kung tanungin ko kaya si Pinky kung may iba pa siyang nalalaman tungkol kay Lucas at sa mga babaeng ‘yon? May malalaman kaya akong bago? Napabuntong-hininga ako. Kung anu-ano na naman ang tumatakbo sa isip ko. Nakuha talaga ni Lucas ang kuryosidad ko. Dapat bang alamin ko pa ‘yung sinasabi niyang dark side niya o manatili na lang akong walang alam? Kaya lang paano ko siya makikilala nang lubos kung hindi ko aalamin pati ‘yung bagay na ayaw niyang ipakita

