“Huwag mo ‘kong piliting saktan ka, Lorelei. Ibang klase ako magparusa.” May diin sa bawat salita niya, kaya mas lalo akong natakot. Tuluyan nang umagos ang mga luha mula sa aking mga mata, habang mabilis ang t***k ng puso ko at pinagpapawisan na ako. Nilapat ko ang isa kong palad sa dibdib niya at bahagya ko siyang tinulak bago ko ipinalin ang mukha ko at humarap sa kanya. “S-orry na po, sir. H-hindi naman po ako tatakas. N-nagutom l-lang po ako kaya ako bumaba. Kumain lang po ako ng mamon. K-kung gusto n’yo po, ipapakita ko po sa inyo. M-may dalawang mamon pa po. M-malaki po ‘tsaka po malambot. M-masarap pong k-kainin. Huwag n’yo lang po isusubo nang buo, dahil b-baka mabilaukan kayo tulad ko. ‘Yon po ang d-dahilan, kaya basang-basa ako. U-umagos po ‘yung gatas mula sa bibig ko hangga

