Ilang babae na kaya ang nabili ni Lucas sa auction? Pang-ilan kaya ako? Kapag gumaling kaya ako’y itutulad niya ‘ko sa mga babaeng ‘yon? Bakit hindi na sila bumabalik pagkatapos ng isang gabi? Bakit isang beses lang sila dinadala ni Lucas dito? Pinapauwi kaya sila, dinadala sa ibang bahay o baka naman dinidispatya na pagkatapos? “Uy! Bakit naman natulala ka na d’yan? Excited ka ba o natutuwa na ikaw ‘yung unang babae na hindi niya pauuwiin agad?” tanong ni Pinky sa ‘kin, habang niyuyugyog ako sa braso. “H-ha?” wala sa sarili kong tanong dahil sa dami ng iniisip ko. “Sabi ko, bakit natulala ka d’yan?” “W-wala. May iniisip lang ako,” sagot ko pero hindi ko sinabi kung ano ang gumugulo sa isip ko. “Uhm… Pinky, may cellphone ka ba?” Kung may hindi magandang balak si Lucas sa ‘kin, kailanga

