Nagising ako na masakit ang ulo ko. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at nakita kong nasa kwarto ako ni Lucas at nakahiga ako sa kama niya. Nanlaki ang mga mata ko. “Nasa kama ako ni Lucas?!” Napabalikwas ako ng bangon at tiningnan ko ang sarili ko. May damit naman akong suot pero malaking t-shirt ito na malamang ay kay Lucas. Kinapa ko ang dibdib ko at may suot naman akong bra. Kinapa ko rin ang ibaba ko at may suot din akong panty. “Tang!na, ano’ng nangyari kagabi?” Habang nakahawak ako sa magkabilang gilid ng ulo ko, iniisip ko kung ano’ng nangyari. “Nadapa ako. Nasalo ako ni Lucas tapos pumanik kami rito. Nilagyan n’ya ng ice pack ‘yung paa ko tapos inabutan niya ‘ko ng alak. Nakatatlong baso ako. Nahihilo na ‘ko no’n. May mani, itlog at BJ. Sh!t… Ano pa?” bulong ko habang iniisa-

