“Hindi ko alam kung sino ‘yan. Wala naman akong kilalang mayaman.” Kahit isa’y wala akong kilala sa mga tao na nandito sa function hall. Kung mga tao siguro sa baranggay namin, kaya ko pa sigurong isa-isahin dahil sa dami ng kakilala ko, pero dito sa mundo ng mga mayayaman, wala akong alam at wala akong kilala. Ni hindi ko nga alam na may ganitong klaseng auction pala. Na imbis mga gamit lang ang ibinibenta’y pati tao ay isinasama nila. Hindi rin naman ako mahilig manood ng TV at wala rin naman akong oras dahil abala ako sa paghahanapbuhay. Kung sakaling nakikita man sa TV ‘yang lalaki na nakikipagpataasan ng bid kay Dela Costa, baka hindi ko rin naman siya nakita.
“Walang gustong magpatalo.”
“Lorelei, ibang klase ang alindog mo. Kahit mukha ka lang naming props kanina, mukhang nabaliw sila sa ‘yo.”
“Itong si Mocha naman, puro biro. Malamang kabado siya kanina. Noong unang beses mo rin namang magsayaw sa bar, mukha kang tanga.”
“Pagsayawin ba naman ako mag-isa sa unang salang ko. Sino namang ‘di kakabahan no’n? Tapos gusto pa nila todo hubad agad. May konting hiya pa ‘ko no’n.”
“Ngayon walanghiya ka na.”
“Ay true ka d’yan! Nakita mo naman, kung paano ako mag-twerk kanina. May pahampas sa pw3t pa.”
Habang abala sina Vanilla at Mocha sa pag-uusap sa magkabilang gilid ko, ako naman ay parang hihimatayin na sa kaba, dahil pataas na nang pataas ‘yung bid at hindi ko na alam kung sino ba ang mananalo, at kung kanino ako mapupunta.
“Mocha, Vanilla, ayoko sa kanilang dalawa,” naiiyak kong sabi habang pareho kong hawak ang mga kamay nila.
“Kahit sino naman ang mag-bid d’yan wala kaming gusto para sa ‘yo. Wala akong makitang mukhang matino. Lahat pa mukhang gurang. Tinitigasan pa kaya ‘yung mga ‘yan?”
“Gaga ka Mocha. ‘Yon pa talaga ang naisip mo?”
“Kasi naman ang tatanda na pero ang lilibog pa. Pero naisip ko lang, hindi ba mas okay ‘yon? Kapag tumakas si Lorelei, hindi nila mahahabol kasi masakit na ang tuhod. Hindi na makakatakbo.”
“Ay loka ka talaga. Kahit pa naka-wheelchair ‘yan, eh kung may bodyguard naman? Aber, paano?”
“Wow, Vanilla. Salamat sa encouragement, ah. Paano pa magkakalakas ng loob na tumakas ‘tong si Lorelei kung ang nega mo d’yan. Sinita mo pa ‘ko kanina dahil walang preno ‘tong bibig ko. Ikaw rin naman pala.”
“Oh my God. Oo nga. Sorry. Baka naman ‘di lahat may bodyguard. Pero kahit may bodyguard dapat fight pa rin, ‘tong si Lorelei. Subukan pa rin dapat tumakas, kahit kanino pa mapunta.”
“Five million pesos!” Bigla akong napatingin sa host nang banggitin niya kung magkano na ‘yung bid. Wala talagang gusto magpatalo doon sa dalawa. Ganito ba talaga ang mayayaman? Kung ako ang may gano’ng halaga, hindi ko uubusin sa mga ganitong bagay. Bibigyan ko ng masagana at kumportableng buhay sina Lolo Nida at Lolo Ramon, at kapag may sobra ako’y itutulong ko sa mga mahihirap, dahil alam ko ‘yung pakiramdam nang wala.
Dahil dalawa na lang ‘yun nagbi-bid, binigyan na sila ng kanya-kanya nilang mic. May camera din na nakatutok sa kanilang dalawa na pinapakita sa malaking screen na nasa likuran ng host.
Para silang kaban na hindi nauubusan ng pera kung mag-bid. Umabot na ito ng ten million pesos. Hindi ko alam kung gusto lang talaga nila akong makuha o nagpapataasan na lang sila ng ihi, at ayaw mapahiya.
“Mr. Dela Costa, if I were you, hindi na ‘ko lalaban. Kaya kitang tapatan hanggang sa maubos ang yaman mo,” mayabang na sabi noong isa. Matandang lalaki ito na mukhang nasa singkwenta mahigit na ang edad. May bahagya nang kulay puti ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng kulay black na suit, kulay puti na polo na panloob at kulay pula na kurbata. Kayumanggi ang kulay ng balat niya at medyo makapal ang matulis niyang nguso. Hindi katangusan ang kanyang ilong at makapal ang kilay.
“Fck! Fck! Fck!” galit na galit na sigaw ni Dela Costa na rinig pa rin namin kahit hindi nakatapat sa mic ‘yung bibig niya. Pagkatapos niyang magmura nang paulit-ulit, naupo na siya.
“Wow. May tumalo kay Dela Costa. Kaya lang sino kaya ‘yung lalaking ‘yon? Ang yabang ng dating. Mukha namang tsonggo,” pintas ni Mocha. “Ang dami-dami niyang pera, bakita kaya ‘di siya magparetoke?”
Totoo ba ‘to? May nanalo na sa bidding? Hindi ko magawang matawa sa mga patutsada ni Mocha. Hindi ko rin magawang magsalita dahil para na ‘kong masusuka.
“Eight million pesos! Going once. Going twi—.” Biglang napatigil ‘yung host dahil nagsalita na naman ‘yung matandang lalaki.
“Tama na ‘yan! Huwag ka nang magtanong. Malinaw na naman na ako ang nanalo. She’s mine now…” sabi nito habang nakaturo sa ‘kin. “… and I want her in my room right away.” Pagkatapos nitong magsalita ay pabagsak pa nitong ibinaba sa mesa ‘yung mic at saka tumayo at tumalikod. Naglakad ito paalis kahit hindi pa sinasabi na siya talaga ang nanalo sa auction. Habang naglalakad ito’y may nakabungguan pa na isang lalaki na mukhang bagong dating lang ata. Mukhang magkakainitan pa ata ‘yung dalawa pero humarang ‘yung bodyguard ng lalaking bagong dating. Hindi ko alam kung bakit pa pumasok ang lalaking ‘yon, samantalang tapos na ‘yung auction. Pero kung ano man ang dahilan ay wala na akong pakialam. Napayuko na lamang ako at napahagulgol ng iyak, habang pinapatahan ako nina Mocha at Vanilla.
“Uhm… I guess, I have to announce now that Mr. An—“
“I will buy her for fifteen million pesos.” Napaangat ‘yung ulo ko nang marinig kong may nag-bid na naman. Nakita kong hawak na nung lalaking bagong dating ‘yung mic. Siya ba ‘yung nag-bid?
“Hala! Sino ‘yon? Kanina half million lang ang dagdag sa bawat bid, pero siya, limang milyon agad ang idinagdag. Seryoso ba siya sa fifteen million pesos?” Hindi makapaniwalang tanong ni Mocha.
Dahil sa pag-bid nitong bagong dating na lalaki, biglang bumalik ‘yung paalis na matandang lalaki kanina at inagaw ‘yung mic.
“Fiftee—.” Hindi natapos magsalita ‘yung matandang lalaki dahil ibinaba ng lalaki na nag-bid ng fifteen million pesos ‘yung kamay ng matandang lalaki na may hawak sa mic at pagkatapos ay may ibinulong rito. Tuluyan nang hindi nakapagsalita ‘yung matandang lalaki at malakas na ibinalibag ‘yung hawak na mic bago pasugod na umalis. Lahat pa ng madaanan nitong mga bakanteng upuan ay hinahampas o di kaya’y sinisipa.
“Fifteen million pesos. Going once? Going twice? Sold!” sabi ng host.
“Lorelei, hindi gurang ‘yung nakabili sa ‘yo,” sabi ni Vanilla sa ‘kin habang tulala na lang ako sa mga nangyari. Tapos na ba talaga ‘yung auction? May nakabili na talaga sa ‘kin? Huling bid na ba talaga ‘yon?
“Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot para sa ‘yo. Kahit hindi ‘yung mukhang tsonggo at si Dela Costa ang nakakuha sa ‘yo, sigurado akong masama pa rin ang ugali n’yan. Wala ‘yan dito kung mabait ‘yan. Kaya Lorelei, ‘yung bilin ko, ha?” Tumango lang ako sa sinabi ni Mocha habang lumulutang pa rin ang isip ko at lalo pang sumama ang pakiramdam ko.
Umalis sa tabi ko sina Mocha at Vanilla para kunin ‘yung mga damit na hinubad nila. Nang makabalik sila sa tabi ko’y naramdaman ko ang pagbaba uli namin sa ilalim ng stage. Tapos na nga talaga ‘yung auction. Pero kahit tapos na’y hindi ko naman magawang tumayo dahil nanlalata ang mga binti ko. Inalalayan na lang ako nina Vanilla at Mocha na tumayo at naglakad kami pabalik sa dressing room, habang nakasunod na naman sa amin ‘yung dalawang bantay na lalaki.
“Paliguan, bihisan at ayusan n’yo ‘yan, ha? Mukhang sa inyo lang naman madaling sumunod ‘yan,” sabi ni Josa kina Mocha at Vanilla bago tumingin sa ‘kin. “Lorelei, hugasan mo mabuti ‘yung kili-kili, mga singit at lalo na ‘yang kipay mo. Naku, bukod tangi kang pinagpala sa babaeng lahat. Hindi lahat ng dinadala rito, kasing swerte mo. Nakita mo naman siguro kung gaano kagwapo ‘yung nakabili sa ‘yo. Napakayaman pa. Akalain mong fifteen million ang halaga mo. First time ‘yan dito.”
Nagpapatawa ba siya? Ako swerte? Saan banda? Hindi ko nga natandaan ‘yung itsura ng nakabili sa ‘kin. Ang naalala ko lang ay napakakalmado niya pero mukhang may dalang delubyo. At kahit mayaman at gwapo pa ‘yon, hindi ko pa rin gugustuhin na mapunta sa kanya. Hindi ko kailangan ng lalaking mayaman at gwapo sa buhay ko. Ang kailangan ko ‘yung lalaki na mabuting tao.
Nang makabalik kami sa dressing room hindi ko na napigilan ‘yung sama ng pakiramdam ko. Sinubukan kong makaabot sa banyo pero tuluyan na akong nasuka at pagkatapos ay napahagulgol na ako ng iyak. Inalalayan ako ni Mocha na makaupo. Si Vanilla naman panay ang tanong kung ayos lang ba ako.
“Ano ba ‘yan, Lorelei!” sigaw ni Mamita. “Patapos na lang tayo rito, gan’yan ka pa! Josa ayusin mo ‘yan! Hindi pwedeng gan’yan ‘yan!”
“Hindi ko po talaga kaya,” pagmamakaawa ko. “Parang awa n’yo na, huwag n’yo po ako ibigay sa lalaking ‘yon.”
“Hindi ka na virgin ‘di ba? Kaya mo ‘yan! Mag-e-enjoy ka rin naman!” inis na sabi ni Josa habang hawak ako sa braso at pilit akong pinatatayo.
“Mama Josa, baka pwede pong pagpahingahin po muna natin siya,” pakiusap ni Vanilla kay Josa.
“Hindi pwede! Binigyan lang tayo ng isang oras. Nagmamadali ‘yung client. Dali na. Dalhin n’yo na sa banyo ‘yan, bago pa tutukan ng hose ni Mamita ‘yan.”
“Lorelei, tara na. Baka saktan ka pa nila,” sabi ni Mocha sa ‘kin kaya pinilit ko na lang na tumayong muli. Sasamahan pa sana ako nina Vanilla sa banyo pero tumanggi na ako. Iniwan na lang nila sa banyo ‘yung mga pamalit kong damit, at mga gamit na pangligo at pangsipilyo. Mag-isa kong nilinisan at inayos ang sarili ko. Hindi pa ‘ko nagagalaw ng lalaking ‘yon pero pakiramdam ko’y ang dumi-dumi ko na agad, dahil hinahanda ko ‘yung sarili ko para ibigay sa taong ‘yon.
Maigsing dress na kulay itim at may manipis na tirante ang binigay nilang damit sa akin. Walang bra pero buti ay may panty naman. ‘Yon nga lang ay t-back naman. Parang ‘yung suot nina Vanilla at Mocha kanina. Labas ang magkabilang pisngi ng pw3t ko na bahagya lang natago sa maigsi kong dress. Pinagpalit din nila ako ng sapatos. Binigyan nila akong sandals na manipis ‘yung takong. Nakaya ko naman na ilakad ito kahit na hindi naman ako nagsusuot ng gano’ng klase ng sapatos.
Paglabas ko ng banyo, basa pa ‘yung buhok ko na ipinusod na lang ni Vanilla. Si Mocha naman ang nag-make-up sa ‘kin. Habang inaayusan nila ako, napakalungkot ng mga mukha nila. Si Vanilla nga’y mukhang maiiyak na.
“Tapos na ba ‘yan?! Malapit nang matapos ‘yung isang oras n’yo! Aba, balak n’yo bang sagarin hanggang sa pinakahuling segundo?!”
“Tapos na po, Mamita,” matamlay na sagot ni Mocha.
“Mabuti naman! Dalhin n’yo na ‘yan! Josa, samahan mo sila,” utos ni Mamita kay Josa at sa dalawang lalaking bantay na kanina pa ako hinihintay na matapos.
Kusa akong tumayo at bago ako sumama sa dalawang lalaki ay niyakap muna ako ni Mocha at Vanilla at binilinan nila ako na mag-ingat palagi.
“Feeling close agad naman ‘tong tatlo. Ang arte-arte n’yo,” iritableng sabi ni Josa at nakita ko pa ang pag-ikot ng kanyang mga mata.
Hinawakan ako sa braso ni Josa at sinabayan niya ako sa paglalakad. Sinisigurado siguro niya na hindi na ‘ko muling magtatangkang tumakas. Nasa harapan namin ‘yung isang bantay habang nasa likuran ‘yung isa pa. Pareho silang armado at hindi nakatago ang mga armas nila. Hindi ko alam kung ano’ng klaseng baril ‘yon, pero mahaba ‘yon at hindi kayang isabit lang sa may tagiliran.
Isinakay nila ako sa elevator at bumaba kami ng isang floor. Pagbukas pa lang ng pintuan ng elevator ay puro ungol at halinghing na ang naririnig ko. Natakot akong ihakbang ang mga paa ko palabas ng elevator. Natakot ako sa pwede kong makita.
“Huwag ka nang umarte. Nag-ayos ka na at nagpaganda, kaya utang na loob, pwede bang itodo mo na?” tanong sa ‘kin ni Josa. Kahit hindi pa ‘ko nakakasagot ay hinila na niya ‘ko palabas ng elevator.
Sarado ang pintuan ng mga naunang kwarto na nadaanan namin, pero rinig ko pa rin ang mga halinghing ng mga babaeng nasa loob at ang mga ungol ng mga lalaking kaulayaw ng mga ito. Kinikilabutan ako sa mga naririnig ko, habang parang sanay na sanay na si Josa at ‘yung dalawang bantay na kasama namin sa mga ganitong klaseng eksena.
Habang naglalakad kami’y napansin ko na may isang kwarto na bukas ang pintuan. Iniwas ko ang tingin ko para hindi ko makita ang nasa loob, pero napalingon ako nang may lalaking nagsalita at binanggit ang pangalan na ginagamit ni Sandra sa trabaho bilang dancer.
Napatigil ako sa paglalakad at napatulala nang makita ko sa loob ng nakabukas na kwarto si Sandra. Hubo’t hubad siya habang nakaluhod sa ibabaw ng kama. May lalaki na nakatayo sa may likuran niya at pinapasok nito ang mataba at mahaba nitong ari sa p********e ni Sandra. Habang si Sandra naman ay nagtataas-baba ang ulo dahil subo niya ang ari ng lalaking nakaupo sa harapan niya. Sa gilid ng kama’y may nakatayo naman na lalaki na hawak ang kanyang ari na sinasakal at nilalaro ng sariling palad habang nag-e-enjoy na panoorin kung paano babuyin ng dalawang lalaki si Sandra.
Nanlata ako at napaluha at muntikan nang mapaupo nang dahil sa nasaksihan ko. Kung hindi ako hawak ni Josa sa braso, baka napaupo na talaga ako sa sahig.
Awang-awa ako sa itsura ni Sandra lalo na’t alam kong labag sa kalooban niya ang gawin ‘yon. Tatlong lalaki ang kailangan niyang paligayahin nang sabay-sabay. Ayoko nang isipin kung ano pang ibang pwede nilang gawin sa kawawang si Sandra. Sana nga’y mailigtas ni Sandra ang buhay ng anak niya dahil grabeng sakripisyo itong ginawa niya.
“Lorelei, ang bigat mo, ha! Umayos ka nga! Huwag mong intindihin ‘yang si Sandra. Mukha namang nag-e-enjoy siya,” sabi ni Josa na sinundan pa ng tawa. “Tara na! Dalian mo!” Hinila na naman ako ni Josa. Kung hindi lang ako natatakot sa naglalakihang baril nitong mga bantay ay baka tumakbo na ako palayo sa kanila.
Hindi pa natapos do’n ang mga nakakagulat na eksenang nakita ko. May nadaanan pa kami na nagtatalik sa may pasilyo. Nakatuwad at nakahawak sa pader ang isang hubo’t hubad na babae habang nasa likuran niya ang isang mataba at matandang lalaki. Ang lakas ng ungol ng babae na para bang sarap na sarap, sa ginagawa sa kanya ng matandang lalaki. “Fck! Daddy, ang laki-laki. S-sige pa, daddy, isagad mo pa. Ohhh… Fck!” Umiwas ako ng tingin at tinakpan na lang ang tainga ko, dahil hindi ko matagalan na makita silang dalawa.
Nasa dulo na ata kami ng pasilyo nang huminto kami sa paglalakad. Nakita ko ang numero na 4414 sa may pinto. Kumatok si Josa, pero walang nagbukas ng pintuan. Hindi ko alam kung may nanonood ba ng p0rn sa loob dahil may naririnig akong humahalinghing. Kumatok uli si Josa. Isang babae na hubo’t hubad ang nagbukas ng pintuan. Ang unang pumasok sa isip ko’y napakahilig naman pala sa babae ng lalaking nakabili sa akin. Hindi na nagawa na hintayin ako, kaya kumuha na agad ng babae. Hindi ko ata kaya kung sabay niya kaming gagamitin. Kinilabutan ako at napaatras nang dahil sa takot.
Tatalikod na sana ako nang bumukas na nang todo ‘yung pintuan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang lalaking nakasubsob sa pagitan ng mga hita ng isang nakahubad na babae na nakahiga sa ibabaw ng kama. Napatigil ang lalaki sa ginagawa niya at napatingin ito sa ‘kin. Nakita ko ang pagguhit ng nakakapangilabot na ngiti sa labi niya. Binalot ng takot ang buong pagkatao ko. Hindi ito maaari! Hindi ito ‘yung lalaking nakabili sa akin kanina, dahil ito si Dela Costa.