CHAPTER 8

2490 Words
"Neng, umayos ka," hindi malakas ang pagkakasabi nito sa 'kin ni Josa pero may diin sa boses niya na sinamahan pa ng panlalaki ng mga mata niya. "Maawa po kayo sa 'kin. Hindi ko po talaga kaya. Mamita, Josa, huwag n'yo na pong ituloy, 'to." "Paulit-ulit na lang tayo!" sigaw ni Mamita. "Buhatin n'yo na 'yan! Basta huwag n'yong gagasgasan!" "Huwag! Huwag po! Tama na po! Gusto ko na pong umuwi!" Sinusubukan akong buhatin ng isa sa mga lalaki, pero pilit ko naman siyang pinagtutulakan. "Lorelei, sumunod ka na lang, please," narinig kong sabi ni Vanilla na may pag-aalala sa boses. "Ang ganda kaso ang tigas ng ulo," sabi naman ni Josa. "Bilisan n'yo d'yan! Isang babae lang 'di n'yo makaya! Ang lalaki ng mga katawan n'yo, 'di n'yo mabitbit 'yan! Kapag 'yan 'di n'yo nadala sa stage, malilintikan kayo kay Boss!" galit na sabi ni Mamita. Pilit pa rin akong nanlaban pero nahawakan na nila ang mga kamay ko at pagkatapos ay itinali nila ang mga ito sa likuran ko. Nang masigurado nilang mahigpit na ang pagkakatali ay binuhat na 'ko ng isa sa mga lalaki. Tulad ng ginawa sa dalagita kanina, para din akong sako ng bigas na ipinasan sa balikat. "Ibaba mo 'ko!" sigaw ko na kasabay ang pag-iyak ko. Isinisipa ko ang mga paa ko pero hinawakan niya 'ko nang mahigpit sa binti. Gusto ko siyang hampasin pero hindi ko makalas ang tali sa kamay ko. "Ibaba mo 'ko!" sigaw kong muli. "Hindi ka talaga titigil?!" sigaw ni Mamita at pagkatapos ay mahigpit niya 'kong hinawakan sa pisngi habang ang isang kamay niya ay may hawak na baril. Hindi ko napansin kung paano niya kinuha 'yon sa mga bantay, dahil sa ginagawa kong pagpupumiglas kanina. "Isang sigaw pa at palulununin kita ng bala. Hindi na 'ko manghihinayang sa makukuha kong porsyento sa 'yo dahil marami pa namang mga babae d'yan. Hindi kami mauubusan ng produkto. Hindi ka gano'n kaespesyal para magtiis kami sa kaartehan mo!" "Mamita, huwag naman po," pigil ni Mocha. Hinawakan pa niya sa braso si Mamita. "Lorelei, susunod ka na 'di ba? Itutuloy natin 'yung performance natin, para hindi masayang 'yung practice natin kanina," sabi naman ni Vanilla na nangingilid na ang luha. "Sige na, Lorelei. Susunod ka na kay Mamita 'di ba?" sabi pa niya na may kasabay na marahang pagtango na para bang sinasabi niya umoo na lang ako at huwag nang manlaban pa. Tuloy lang ang tulo ng luha ko habang nakatingin sa kanila. "Hindi ko kaya," mahinang sagot ko. "Biglang nagbago 'yung isip ko. Hindi na lang pala ikaw ang pakakainin ko ng bala. Isa na lang sa kanila." Biglang napaatras sina Vanilla at Mocha nang dahil sa sinabi ni Mamita. "Pili ka na lang sa kanilang dalawa kung sino'ng gusto mong makita na kumain ng bala ngayon." "Diyos ko po! Mamita huwag naman 'yung star dancers ko!" tarantang sabi ni Josa habang nakahawak sa magkabilang gilid ng ulo niya. Parang gusto na niyang sabunutan 'yung sarili niya sa sobrang takot. "Huwag? Eh ang hirap kasing pasunurin nito. Ano, Lorelei? Nakapili ka na ba? Hindi pa rin? O sige ako na lang ang pipili. Ang paboritong flavor ko kasi ng ice cream ay Mo--," Hindi tinapos ni Mamita 'yung sasabihin niya pero itinutok na niya 'yung baril kay Mocha. "Huwag! Susunod na po ako!" sigaw ko agad para itigil niya 'yung pinaplano niyang gawin kay Mocha. Hindi kakayanin ng konsensya ko na may mapahamak nang dahil sa 'kin. Nagtratrabaho lang naman sila rito nang dahil sa mga pamilya nila. Nang dahil sa katangahan ko kaya ako nandito kaya haharapin ko na lang 'yung kahihinatnan ko rito. Napaupo si Mocha sa sobrang takot habang napangiti naman si Mamita dahil siya ang nasunod. "Diyos ko po, Mocha, kaya mo pa bang tumayo?" alalang tanong ni Josa. Si Vanilla naman lumapit din kay Mocha. Umiyak na lang ako at hindi na nanlaban. "Susunod na po ako sa lahat ng iutos n'yo," sabi ko para malaman nilang hindi na ako magiging problema. "Tama 'yang desisyon mo, Lorelei," sabi ni Mamita habang itinatapik sa pisngi ko 'yung nguso ng baril na hawak niya. "Sige, ibaba n'yo na 'yan at kalasin n'yo na 'yung tali," utos ni Mamita sa mga lalaki at pagkatapps ay si Josa naman ang inutusan niya para mabilis na ayusin ang make-up ko. Habang inaayusan ako ni Josa panay ang thank you at sorry ni Vanilla at Mocha sa akin. Tahimik naman ako at tulala habang nakatingin lang sa salamin. Ano bang dapat kong isagot sa sorry at mga pasasalamat nila? Walang ano man? Ayos lang? Huwag kayong mag-alala? Magsisinungaling lang ako kung gano'n dahil hindi naman ako okay. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi lang mga kamay ko ang nilalamig, pati mga paa ko. Nang matapos akong ayusan ni Josa, lumabas na kami ng kwarto papunta sa backstage. Nasa magkabilang gilid ko sina Vanilla at Mocha na katulad ko'y nakasuot na rin ng school uniform. Parehong maliliit ang mga suot naming blouse na putok na putok sa may dibdib. Ang kaibahan nga lang ay may suot pa silang mga bra na kita naman dahil hindi nila isinarado lahat ng mga butones ng blouse nila. 'Yung palda nila maigsi rin na tulad sa 'kin pero iba ang kulay-- checkered ito na pink at purple. Ang ayos ng mga buhok nila parehong naka-pigtails. Sa harapan namin naglalakad sina Mamita at Josa habang nasa likuran namin 'yung dalawang lalaking bantay. "Lorelei, huwag mong kalinutan 'yung sinabi ko sa 'yo na gawin mo pagkatapos ng auction," bulong sa 'kin ni Mocha. "Kapag nagawa mo 'yon, ipaalam mo sana sa 'min na okay ka. Tawagan mo lang kami sa Sin City. Pangalan 'yon ng club kung saan kami sumasayaw. Kung kailangan mo ng tulong, maaasahan mo kami," dagdag pa niya. Tiningnan ko naman siya, at tumango ako at nagpasalamat. Sana nga'y magkaroon ako ng pagkakataon na makatakas pagkatapos ng auction. Alam kong maliit 'yung tsansa dahil mayayaman ang mga nandito sa auction at siguradong lahat sila'y may sarili-sariling bantay. Pero gano'n pa man ay gusto ko pa ring umasa na makakalaya ako. Habang naglalakad kami papunta sa backstage palakas nang palakas 'yung naririnig kong tugtog na sinasayaw ng mga dancers na nasa stage pa. Pero kahit malakas 'yung tugtog, naririnig ko rin 'yung sigawan ng mga lalaking nanonood sa kanila. Mamaya kami naman ang panonoorin at pagpipiyestahan nang gano'n. Dahil sa naisip ko'y bigla akong napatigil sa paglalakad kaya napahinto rin sina Vanilla at Mocha. "Ba't kayo huminto?" sita sa 'min ng bantay at pagkatapos ay inutusan uli kaming maglakad. "Lorelei," may takot sa boses ni Vanilla nang banggitin niya ang pangalan ko. Natatakot siguro siyang magalit uli si Mamita at totohanin nang saktan kami. Ayaw kong mapahamak sila kaya naglakad na akong muli at sinabayan nila ako habang tig-isa nilang hawak nang mahigpit ang mga kamay ko. Nang makarating kami sa backstage, sinabi sa 'kin ni Mocha na sa ilalim ng stage kami magmumula papunta sa ibabaw. "Mocha, Vanilla, alam n'yo na 'yung gagawin n'yo, ha?" "Yes po, Mama Josa." "Ikaw, Lorelei, umayos ka ha? Nakabantay si Mamita at Boss, sa 'yo." Sino kaya 'yung boss na sinasabi niya? Sana man lang ay makita ko ang mukha niya para kung sakaling mamatay ako sa kamay ng makakabili sa 'kin ay madalaw ko siya at multuhin, o kung makatakas naman ako'y magawa ko siyang gantihan nang dahil sa ginawa niya sa 'kin at sa iba pang mga taong ipinahamak niya nang dahil sa kasakiman niya sa pera. Isasama ko na rin sa mga gagantihan ko sina Josa, Mamita, at Rita. Pumunta kami sa ilalim ng stage kung saan may nakita akong upuan na kulay pula. Kung tama ako'y Cleopatra chair ang tawag sa gano'ng klaseng upuan. Medyo mahaba ito na kasya ang dalawa hanggang tatlong tao. May maliit itong armrest pero sa isang side lang at kalahati lang ang sandalan. Pinaupo ako ni Vanilla at pumwesto naman siya sa likuran ko, habang si Mocha naman ay naupo sa sahig at ipinatong ang braso niya sa ibabaw ng hita ko. "Lorelei, paalala ko lang uli. Lahat ng gagawin namin sa 'yo, parte lang ng palabas natin," sabi sa 'kin ni Vanilla at tumango naman ako. "Pakinggan mo lang lahat ng sasabihin namin. Kung sakaling mablangko ka nang dahil sa takot, kami nang bahala sa 'yo." "Pakiramdam ko nga hindi ako makakakilos o baka hindi ko kayo marinig. Ngayon pa lang nablablangko na ako. Lumulutang 'yung isip ko at parang masusuka ako." "Nasusuka ka?! Teka lang. May candy ako rito." Inabutan ako ni Mocha ng menthol na candy. Kinain ko ito pero parang wala namang naitulong. Parang babaligtad pa rin ang sikmura ko. "Tayo na. Tapos na sina Olive," sabi ni Vanilla na mas lalong nagpabilis sa t***k ng puso ko. Dinig ko ang mga yabag nila pababa ng stage. Nagsisigawan pa sila at tuwang-tuwa habang ako naman ay parang tatakasan na ng kaluluwa. Mula sa mabilis na tugtugin na sinayaw nina Olive naging sensual na 'yung tugtog. Mabagal at ang sexy ng tunog. Instrumental lang ito at walang lyrics. Napahawak ako sa braso ni Mocha na nakapatong sa ibabaw ng hita ko nang dahan-dahang umangat 'yung kinauupuan namin at nang mapatingala ako ay bumubukas na 'yung stage na nasa ibabaw namin. Parang mas lalong lumakas ang sigawan ng mga lalaking naghihintay sa paglabas namin. Nagsasalita 'yung host pero hindi ko maintindihan. Para bang nagrarambol sa isip ko 'yung mga salitang sinasabi niya. Unti-unti kaming umangat hanggang sa makita ko na madilim sa function hall, pero may makukulay na ilaw na malikot at para bang sumasayaw rin. "Kapag tumigil 'yung tugtog at namatay 'yung ilaw, hudyat 'yon na magsisimula na 'yung performance natin," sabi sa 'kin ni Vanilla. Kasabay ng tuluyan naming pag-angat sa stage, tumigil rin 'yung tugtog at biglang namatay 'yung mga ilaw na tumatama sa amin. Bigla ring tumahimik 'yung mga nanunood na para bang tutok na tutok sila sa masasaksihan nila mula sa amin. Halos madurog ko na ata 'yung braso ni Mocha dahil sa pagkakahawak ko. Tinapik-tapik naman niya ang kamay ko na para bang pinapakalma ako. Sa pagbubukas muli ng mga ilaw, ay kasabay nito ang panibagong sensual na tugtog. Parang ganito 'yung mga tugtog sa pelikula kapag sexy na 'yung scene o kaya'y nagtatalik 'yung mga bida. Dahil sa liwanag ng mga ilaw para akong nabulag. Hindi ko makita 'yung mga tao sa ibaba ng stage pero ramdam ko na ang mga haplos nina Vanilla at Mocha sa katawan ko. Nagsisimula na 'yung palabas habang para 'kong tuod sa kinauupuan ko. "Lorelei, huminga ka. Baka bigla kang himatayin d'yan," bulong sa 'kin ni Vanilla. Napakalapit ng labi niya sa tainga ko kaya ramdam ko ang mainit niyang hininga. Pagkatapos no'n ay naramdaman ko naman ang pagdausos ng palad niya mula sa balikat ko pababa sa magkabilang dibdib ko. Sa gulat ko'y napahawak ako sa mga kamay niya. Aalisin ko dapat ito pero naalala kong nasa gitna kami ng palabas namin kaya ibinaba ko na lang muli ang mga kamay ko. Hindi ko mapigilang maiyak kaya tumingala na lang ako para hindi tumulo ang mga luha ko. Si Mocha naman ay lumuhod sa harapan ko at hinawakan ang mga tuhod ko. Hinaplos niya ito pataas papunta sa ibabaw ng hita ko. Nakakapangilabot at nakakatakot, dahil kahit 'di ko maaninag 'yung mga nanonood sa 'min alam kong kitang-kita nila 'yung ginagawa sa 'kin nina Vanilla at Mocha. Hinawakan ni Mocha ang leeg ko at bahagya niya 'kong hinila kaya napayuko ako. "Lorelei, sandali na lang 'to," sabi niya sa 'kin habang ang layo ng mga labi namin sa isa't isa ay parang wala nang isang dangkal. Mukha siguro kaming naghahalikan sa mata ng mga nanonood. "Huwag ka nang mag-alala. Sasayaw na lang kami ni Vanilla." Alam niya siguro na hindi ko na magagawa 'yung sinabi nila sa 'kin kanina, na kahit gumalaw lang daw ako ng kaunti at haplusin ko rin ang mga katawan nila para magmukhang hindi pilit 'yung ginagawa namin. Tumayo si Vanilla at sabay silang gumiling ni Mocha sa stage. Sabay pa sila nang hubarin nila 'yung mga palda nila habang nakatalikod sa mga nanonood. Pati 'yung mga blouse nila'y tinanggal na rin nila. Wala silang ilangan sa isa't isa habang sumasayaw sila na para bang mga ahas na naglilingkisan. Aliw na aliw 'yung mga lalaking nanonood. Umaalingawngaw ang mga boses ng mga ito sa loob ng function hall. Sawang-sawa ang mga mata ng mga ito sa magagandang katawan nina Mocha at Vanilla na gumigiling sa harapan nila habang katiting na lang ang natatakpan sa mga p********e at labas pa ang magkabilang pisngi ng mga pw3t na sobrang kinis. Akala ko'y hanggang doon lang ang ipapakita nila pero nagulat ako nang hubarin na rin nila ang suot nilang mga bra. Alam kong hindi 'yon parte ng performance namin. Pakiramdam ko tuloy ay ginawa nila ito dahil hindi ako nag-perform nang maayos. Para akong tuod na nakatunganga lang sa kanila habang sila'y dumadapa pa sa sahig at patuwad-tuwad sa harapan ng mga nanonood. Bago matapos 'yung tugtog tumayo uli si Vanilla sa likuran ko habang si Mocha naman ay nahiga sa kandungan ko. Pinadausos ni Vanilla ang palad niya sa pagitan ng dibdib ko habang si Mocha ay kinuha naman ang palad ko at ipinatong sa balikat niya malapit sa may dibdib. "Simula na ng auction, Lorelei," sabi ni Mocha. Wala nang tugtog pero para pa rin akong bingi. Hindi talaga rumerehistro sa isip ko 'yung sinasabi ng host. Lalo na nang mabawasan 'yung mga ilaw na nakatutok sa amin. Kita ko na ngayon 'yung mga taong nasa ibaba ng stage na nakaupo sa mga lamesa nila na may mga plato na may pagkain at mga baso na mukhang may laman na mga alak. Mga mayayaman pero masasama naman ang mga ugali. "Hundred thousand 'yung starting price," sabi ni Vanilla. "Lorelei, sunod-sunod 'yung bid. Ang bilis tumaas." "Sh!t! Si Dela Costa, nandito." Nang marinig kong sabihin 'yon ni Vanilla, naghanap agad ako ng kalbo. "Tang!na!" malutong ako na napamura nang may makita akong kalbo sa bandang kaliwa. Napansin ko agad siya dahil siya lang ang nagbubukod-tangi na nakatayo, na para bang desidido talaga siya na makuha ako. "Isa pang tang!na," ang nasabi ko nang mag-bid ito ng one million pesos. "Unti-unti na silang nababawasan, pero ang tibay ni Dela Costa." "Hindi pwedeng siya ang makabili sa 'kin, Mocha." "Hindi talaga, kaya magdasal na tayo na sana may tao rito na mas mapera sa kanya na handang maglabas ng malaking halaga." "Letseng Dela Costa 'yan. Nilalamig 'yung ut0ng ko pero nag-iinit 'yung ulo ko sa kanya," inis na sabi ni Vanilla. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin silang suot na pang-itaas, kahit bra man lang. "Sh!t! Dalawa na lang sila. Teka sino ba 'yung isa?" tanong ni Vanilla. "Hindi ko alam pero parang pamilyar 'yung itsura. Parang nakita ko na sa TV. Ikaw, Lorelei, kilala mo ba?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD