“Si Sir Lucas?” tanong sa ‘kin ni Nato pagpasok niya ng kusina. “May kausap lang sa phone. Hindi mo ba nakasalubong?” Umiling si Nato. “Hindi eh.” “Bakit mo pala siya hinahanap?” “Nandito kasi si Dianne. Hinahanap si sir. Kanina pa raw kasi tumatawag si Dianne, pero hindi sinasagot ni sir, kaya pumunta na rito.” “Si Dianne? Eh ‘di ba magkau—“ Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko at napabuntong hininga na lang ako. Ibig sabihin lang nito’y umiwas lang talaga si Lucas sa tanong ko kanina kaya umarte siyang kausap niya si Dianne sa cellphone. Kung gano’n, tama ‘yung kutob ko na may katotohanan ang ilan sa mga sinabi niya kay Lolo Ramon kanina. “Nand’yan lang ‘yon. Baka nag-CR,” sabi ko kay Nato. “Hanapin mo na lang, tapos pupuntahan ko si Dianne.” “Lorelei! Si Lucas?” bungad sa akin ni

