“What photo?” tanong niya habang nasa mga prutas pa rin ang atensyon niya. Kumuha siya ng limang pirasong mansanas at limang pirasong orange. Pati suha at saka saging dinampot niya rin. “Yung picture po sa cellphone n’yo. ‘Yung pinakita n’yo kay Tope. Bakit po kayo nagpicture ng gano’n?” Tumingin siya sa ‘kin. “Ah, yo’n ba? Walang lang,” sagot niya na sinabayan ng kibit balikat. “Gusto ko lang,” dagdag pa niya habang itinutulak na niya ‘yung cart gamit ang isang kamay lang dahil nga magkahawak pa rin ang mga kamay namin. “Sir, bakit nga po? Ang pangit-pangit ko po do’n sa picture. Ang gulo ng buhok ko tapos nakanganga pa ‘ko.” “Tumulo pa nga ‘yung laway mo. Pinunasan ko lang bago ako mag-picture,” sabi niya tapos nangiti siya. “Di nga po, sir? Tulo laway po ako?” nahihiya kong tanong

