CHAPTER 27

2119 Words

"T-tope, sige na ba-bye na!" natataranta kong paalam kay Tope habang pasulyap-sulyap ako kay Lucas na nakatayo sa may pintuan ko at nakahawak sa doorknob. Mukhang pinagsakluban pa rin ang mukha niya. May nakain ba siyang 'di maganda o may natanggap na naman na masamang balita? Huwag naman sana niyang ibunton sa 'kin ang pagka-badtrip niya. "Ha? Teka lang, Lorelei! Lalaki ba 'yung boss mo? Bakit 'di mo sinasabi sa 'kin na lalaki 'yung boss mo? Sino ba 'yan? Bakit gan'yan ka kausapin?" "Saka na tayo mag-usap uli. Bye Tope!" Hindi ko na hinintay na makapagsalita pa uli si Tope at pinatay ko na agad 'yung video call. Kung ano-ano na kasi ang sinasabi niya at naririnig siya ni Lucas. Nilapag ko sa kama 'yung cellphone ko at saka ako tumayo. Inunat ko ang palda ng damit ko gamit ang mga pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD