CHAPTER 28 “Sir, para saan po ‘to? Bakit dito pa po tayo kakain? Pwede naman po sa ibaba na lang ‘di ba?”tanong ko sa kanya nang makaupo na rin siya. “This is my way of saying sorry to you. Mas gusto ko rin dito para may privacy tayo.” “Magso-sorry po kayo sa ‘kin? Bakit po?” At para saan ang privacy? Pagkatapos ba naming kumain, ako naman ang kakainin niya? Mula sa kinauupuan ko kasi ay tanaw na tanaw ko ‘yung kama. Bigla akong napalunon ng laway. Mapapalaban ba ‘ko ngayong gabi? Pwede ba ‘kong humindi? “Hindi kita dapat tinanong nang gano’n kanina. Please forget everything that I said.” ‘Yon naman pala. Tungkol lang sa nangyari kanina. “Naku, sir. Nakalimutan ko na nga po agad kung ano’ng pinag-usapan natin kanina. Para po akong nagka-amnesia. Tinangay na po ata ng sama ng tiyan k

