CHAPTER 29

1215 Words

CHAPTER 28 Nagising ako dahil sa liwanag na tumatama sa mukha ko, na nanggagaling sa bintana. Nang tuluyan ko nang maimulat ang mga mata ko at napatingin ako sa orasan na nakasabit sa pader, napabalikwas ako ng bangon, at nagmamadali kong kinuha ang cellphone ko na nakapatong sa drawer na nasa gilid ng kama ko. Muntikan ko pa ngang masagi ‘yung lampshade na nakapatong rin dito dahil sa pagmamadali ko. Tiningnan ko ‘yung oras at nakita kong pareho lang ang oras rito sa oras sa wall clock. 6:15 na ng umaga! Baka nakaalis na si Lucas! “Bakit hindi nag-alarm ‘yung cellphone ko?! O hindi ko lang narinig?” sabi ko sa sarili ko habang nagmamadali akong bumaba ng kama. Pumasok ako sa banyo at nagmamadali akong nagmumog ng mouthwash. Kahit hindi pa ‘ko nakapaghilamos at nakapagtanggal ng muta ko

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD