“Bye, sir! Ingat po kayo!” paalam ko kay Lucas habang pasakay siya ng kotse niya. Si Nato ang driver niya ngayon at ito lang ang kasama niyang aalis. Nginitian niya lang ako bago niya isinarado ‘yung pintuan ng kotse. Nakasarado ‘yung tinted na bintana ng kotse niya kaya hindi ko na siya kita. “Bakit parang ang saya mo naman ata, Lorelei?” bulong sa akin ni Pinky nang makaalis na sina Lucas. “Masaya ka ba, na aalis si sir, o masaya ka dahil may magandang nangyari sa inyo, do’n sa loob ng opisina niya?” tanong pa niya habang mapang-asar siyang nakangiti at nagtataas-baba ang mga kilay niya. “Pinky, huwag ka ngang malisyosa. Baka marinig ka nina Aling Milagros at Alma,” sagot ko sa kanya habang nakatayo pa rin ako sa labas ng bahay at tinatanaw ko ang palayong kotse ni Lucas. Sina Aling Mi

