Naibuga ko ‘yung kinakain ko, at parang may lumabas pa ata sa ilong ko. “Sir, sorry po! Nadumihan ko po ‘yung kama n’yo!” natataranta kong sabi habang nagpupunas ako ng bibig at ilong gamit ang kamay ko. “Kayo naman po kasi sir eh. Kung ano-ano pong sinasabi n’yo,” paninisi ko sa kanya. Kung hindi naman kasi siya nagsalita nang gano’n, hindi ko naman maibubuga ‘yung kinakain ko. “May mali ba sa sinabi ko?” sabi niya na parang walang kakaibang meaning ‘yung sinabi niya. Kung sana saging lang ang sinabi niya, ayos lang. Pero saging ko ang sinabi niya at iba ang dating no’n sa akin. “Sabi n’yo po kasi saging n’yo po ‘yung kinakain ko. Hindi n’yo naman po saging ‘to eh,” pangangatwiran ko sa kanya. “Galing ‘yan sa ref. ko, na nasa loob ng kwarto ko, at pera ko ang pinambili d’yan. Kaya sa

