Ang sakit ng ulo ko. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Hindi pamilyar sa akin ang paligid saka ko lang naalala na nasa hotel nga pala kami.
Dito na kami nagpalipas ng gabi pagkatapos ng interview, masyado na kaming pagod para umuwi pa. Dito rin sa hotel nangyari yung interview. Nangungulit pa nga ng after party yung apat pinagalitan lang ni Shane. Sabi niya sa ibang araw na lang daw. Mabuti nakuntento yung apat.
Matapos kong gawin ang aking morning rituals agad akong lumabas ng kwarto. Nasa kabilang kwarto naman yung lima,ewan ko lang kung paano sila nagkasya doon kagabi.
Naaabutan ko silang nag-aalmusal.
"Kain na. ,after this didiretso ka na sa photo shoot mo. ,sabi ni Shane.
Tumango na lang ako sa kanya.
"Uuwi na ba kayo sa bahay?. ,tumingin ako sa apat. Hindi naman kasi sila kasama sa photo shoot maliban na lang kung may ibang lakad 'tong mga to.
Tumango lang sila,mukhang mga antok pa. Late na rin kasi talaga kami nakauwi kagabi. Kahit ganun tumawag pa rin ako kay Ditas para kumustahin ang kambal,mahimbing na ang tulog nila at hindi naman daw siya pinahirapan ng kambal ayon kay Ditas. Nagpasalamat na lang ako sa kanya,tinapos ko na ang tawag kasi baka tinatawagan din siya ni Shane.
Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko may mangyayari na sa palagay ko hindi ko magugustuhan. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang nagbibiyahe kami ni Shane,gusto sanang sumama ni Scott kaya lang hindi pinayagan ni Shane,baka makaabala lang daw si Scott kapag pinagkaguluhan,tama na daw yung ako lang ang babantayan niya.
Huminto kami sa isang mataas na building. Sumunod ako kay Shane. Dire-diretso kami sa elevator. Pagdating sa 15th floor saka kami lumabas. Napahinto ang mga tao doon ng pumasok kami. Iginala ko ang aking tingin. I am wearing a shades. I can see them looking at me. Kita ko ang pagkabigla nila,sabagay kagabi lang kasi nabago ang schedule . ,gusto kasi ni Shane na tapusin na ang mga commitments ko kaya gumawa siya ng paraan para mapadali ito.
"Excuse me! Is Amy Aira here?. ,tanong ni Shane.
"A-ahhm,yes po! Andito na po siya. ,doon po sa dulong pinto ang opisina niya. ,turo ng babaing may malaking salamin sa mata. Nakatitig siya sa akin habang kausap si Shane. Nagpasalamat si Shane at agad na naglakad papunta doon. Susunod na sana ako sa kanya nang bigla siyang huminto.
"You stay here,CK. ,sandali lang ako. ,tiningnan niya yung babaeng may salamin. ,"can you accompany her even just for a while?,tanong niya dito.
"A-ahhm. ,o-of c-course,Sir!. ,ako na pong bahala sa kanya. ,patango tango pa niyang sabi.
Binigyan niya ako ng upuan. Titig na titig siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya.
"Gusto niyo po ba ng maiinom,Mam?. ,
"No,thanks. ,I'm good.,tanggi ko. Kinuha ko ang cellphone tiningnan ko kung may nagtxt. Ibinalik ko na lang uli ng makita kong wala naman.
Hinanap ko ang babaeng kausap ko kanina,nakita ko siyang nagtitimpla ng kape. Panay ang tingin nila sa akin,ngumingiti na lang ako sa kanila.
Kalahating oras na yata si Shane sa loob. ,ang tagal naman. Tatayo na sana ako papa sundan siya ng makarinig ako ng ingay sa aking likuran.
"Where the f**k is Amy? Bakit niya ipina-cancel ang aking photo shoot. ??.,galit na turan ng isang babae.
Pamilyar sa akin ang boses niya. Nanatili akong nakaupo at nakatalikod sa kanila.
"Eh,Mam di ba po last month pa kayo inabisuhan na hindi na po kayo kukuning modelo ng Mystique clothing line. Galing po mismo sa CEO nila ang memo. ,narinig kong paliwanag sa kanya.
"Wala akong pakialam,kailangang matuloy ang photo shoot para wala ng magawa si Tyler Arevalo kundi kunin uli ako. Besides wala pa naman silang nakukuhang ibang model di ba? Sino ba ang pwede nilang ipalit sa akin,wala naman di ba? Nagpapadala lang kasi yang si Tyler sa asawa niyang pakialamera,as if naman makakakuha pa sila ng modelong mas higit sa akin. ,pagyayabang niya.
Mapait akong napangiti sa narinig ko. Wala pa rin siyang ipinagbago,sa tingin ko mas lalo siyang lumala. Nakita ko ang paglabas ni Shane sa opisina kasunod ang isang middle aged na babae. Itinuro ako sa kanya ni Shane,pumalakpak pa siya at ngumiti ng makita ako. Nginitian ko rin siya.
"Hi! It's a pleasure to meet you in person,Ms, CK Savilla. ,you are really so beautiful. ,hinawakan niya ang aking mga kamay. ,"ngayon alam ko na kung bakit ganon na lang siya kahumaling sa iyo,sayang nga lang at kinailangan pang mangyari ang lahat. ,I hope it's not too late for him to finally have you. ,sabi niya. Nakita ko pa ang pangingilid ng kanyang luha.
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Tiningnan ko si Shane,nagkibit balikat lamang ito.
"What do you mean po,Mam?. ,lito kong tanong sa kanya.
Instead of answering me,she smiled at me.
"Tita,call me Tita Amy. ,sabi niya sa akin. Kinawayan niya ang mga tauhan niya at tinanong kung handa na daw ba ang lahat. Tumango naman ang tauhan niya.
Naglakad na siya papunta sa pagdarausan ng photo shoot. Sumunod naman kami ni Shane. Naguguluhan pa rin ako sa mga pinagsasabi nung babae. Sino ba yung tinutukoy niya? Ano bang ibig niyang sabihin?
Papasok pa lang kami ng marinig kong muli ang boses ng babaing galit na galit.
"How dare you,Tita Amy??!!. ,Bakit mo hinayaang mawala ako sa Mystique clothing line?. ,galit niyang sigaw.
"Wala na akong magagawa doon. ,according to Tyler's wife hindi nila nagugustuhan ang mga write ups na lumalabas tungkol sa iyo. ,at hindi daw maganda ang resulta nito sa sales nila. I told you ayusin mo ang mga kilos mo but you were so stubborn. ,madiing paliwanag sa kanya ni Tita Amy.
"No! You have to do something,hindi pwedeng mawala sa akin ang Mystique Tita,do something! Kung hindi makakarating ito sa kanya. ,you know me Tita.,banta nito.
Lihim akong napaismid. Talagang wala pa rin siyang ipinagbago. I guess old habits die hard talaga.
"I'm sorry,there's nothing I can do. Isa pa nakahanap na sila ng bagong modelo. ,umuwi ka na Venus nakakaabala ka na sa trabaho dito. ,sabi ni Tita.
"W-what? I can't believe this. ,new model??. ,as if naman!!. ,tumawa pa siya na parang nang-aasar.
"Go home,Venus. ,galit ng sabi ni Tita.
"Talagang papalayasin mo ako ha. ,I wonder kung sino yang new model na yan. ,i'm sure pipitsugin lang yan. I swear pagsisisihan niyong lahat ito,at pag na-realized niyong lahat yan,pahihirapan ko din kayo!. ,galit na galit niyang utas.
Gusto kong matawa sa mukha niyang namumula na sa galit. Sinadya pa niyang tabigin ang balikat ni Tita na muntik pa nitong ikatumba mabuti na lang at nasa likod nito ang isang staff. Napasigaw ang ilang staff sa nangyari.
Tumakbo naman si Shane papunta kay Tita Amy.
"Bastos ka talaga! I don't want too see your face on my building kahit kailan at kahit na saan. Pagpapasensiyahan kita ngayon pero sa susunod kapag nakita mo ako,umiwas ka kasi baka hindi na ako makapagpigil sa iyo.. ,galit na galit na sabi ni Tita Amy.
Nakita ko ang kanyang pamumutla. Napatingin siya sa paligid.
Nanlaki ang mata niya ng makita ako. Ngumisi ako sa kanya.
Lalo siyang namutla. Nakita ko pa ang panlalaki ng kanyang dati ng malaking mga mata.
Dahil nakaharang ako sa may pinto nakita ko ang pagkataranta niya. Para bang hindi niya alam kung dadaan sa pinto o tatalon na lang siya sa bintana. Tumalon na nga lang kaya siya!?
In the end she had no choice but to go to the door kung saan ako nakatayo.
Kung kanina namumutla siya ng makita ako ngayon naman matapang siyang nakatingin sa akin. Nakataas ang kanyang mga kilay.
Maldita talaga!
"S-so. . ,y-yyour back!. ,pautal niyang sabi. Matapang siya pero nakikita ko ang pangamba at takot sa kanyang mga mata.
"Yes,i'm back! The queen is back!. ,naglakad ako palapit sa kanya. Ngumiti ako sa kanya ng matamis. Binangga ko ang kanyang balikat,tiniyak kong malakas at dahil wala siyang makakapitan tuluyan siyang natumba.
I fake a gasp. Dali dali akong bumalik sa kanya.
"Oh,i'm sorry! Akala ko kasi poste! Pasensiya na ha?!. ,kunwaring hingi ko ng paumanhin. Inabot ko ang kamay ko sa kanya para tulungan siyang tumayo pero ng akmang aabutin na niya mabilis kong inilayo ang kamay ko.
"Oopps! May naalala kasi ako baka maulit. ,I think you can stand on your own naman or if you want wait for your knight in shining armour. ,marami ka nun di ba?. ,sabi ko sa kanya.
"Venus!!. ,sigaw ng isang boses ng lalaki. Pag-angat ko ng tingin nakita kong nagmamadali siyang papunta sa amin.
Mapait akong ngumiti sa aking isip.
"Oh,iyak ka na! Show him how badly hurt you are. ,andiyan na yung knight in shining armour mo!. ,sarcastic kong sabi sa kanya.
Inangat din niya ang tingin niya.
"Zeke!. ,bulong niya.
Ewan ko pero pakiramdam ko may takot sa boses niya ng banggitin niya ang pangalan nito.
Bago pa makalapit ng tuluyan si Zeke sa amin,umalis na ako at naglakad palapit kina Shane.
Pathetic!