Marahan kong minasahe ang aking leeg bago ko kinuha ang aking bag at agad na lumabas sa aking opisina. Nakakaramdam na ako ng antok kasi these past weeks halos wala akong matinong tulog.
Na-cancel ang dapat sana ay concert namin sa Pilipinas last month dahil sa pagkakasakit ni Scott. Pagkatapos na pagkatapos kasi ng concert namin sa Macau,pababa na kami sa stage ng bigla na lang siyang mag-collapse.
Nagulat kaming lahat although alam naming bago kami magsimula ng concert sinabi niyang medyo masama na ang pakiramdam niya pero hindi namin akalaing mahihimatay siya. Sabi ng doktor over fatigue daw,and meron siyang konting impeksiyon sa lalamunan. He also suggested that Scott needed a complete rest kaya nagdesisyon kaming huwag ng tumuloy sa Pilipinas.
Nakipag-usap na si Shane sa producer ng concert,ipinaliwanag niya kung bakit hindi kami matutuloy and we're very thankful na naintindihan naman niya. Napagkasunduan na next month ay matutuloy na ang concert at dahil nga pagkatapos sana ng Pilipinas ay pahinga na kami wala namang naging problema sa amin. Nakapahinga na rin naman si Scott at ayon naman sa kanya okay na siya kaya wala ng dahilan para hindi matuloy ang concert. And besides nakakahiya sa aming mga Pinoy fans. ,ilang taon din nila kaming hinihintay na pumunta doon.
Inaamin ko ng mapagdesiyunang hindi matutuloy ang concert doon nakahinga ako ng maluwag,ewan ko ba mag-aanim na taon na pero parang hindi pa rin ako handang bumalik doon.
I sigh as I parked my car infront of my apartment here in Los Angeles. I smile as i look at my watch,medyo napaaga ang aking uwi ngayon.
Pahinga nga kami sa pagkanta pero naging abala naman kami sa aming mga negosyo. Yung apat na ugok na yun akala mo ganun lang yung mga yun pero huwag ka aside from being interested in music they are also interested in business world. We all know na hindi panghabambuhay tatangkilikin kami kaya we are all saving for our future lalo na ako na mayroon akong kambal.
I am the owner of the Wildflower flower shops na meron ng 25 branches here in US. It really helps na nasa limelight ako kasi doon ako nakakakuha ng maraming client. Nakapagbukas na rin ako ng branches in China,Hongkong even in Dubai.
Gusto kong maprovide ng maayos ang pangangailangan ng mga anak ko kaya pinapalago ko pa ang aking business.
Speaking of my children,alam kong hinihintay na nila ako. Agad akong bumaba ng sasakyan. Binati ko ang guard at ang receptionist na nag-uusap sa lobby ng apartment. This is a first class and one of the exclusive apartments here in LA kaya wala akong kaba patungkol sa mga paparazzi.,i know my children are safe.
Madilim sa loob ng apartment ng dumating ako. Napakunot noo naman ako. I know it still early para matulog ang kambal oras pa lang dapat ng dinner nila. Kahit naman abala ako i still make it na makasama ang mga anak ko. I don't want them to feel that they are neglected especially by their own mother. Kahit alam kong naiintindihan nila ang aking propesyon ayaw ko pa ring maisip nila na mas uunahin ko ang pagkanta kesa sa kanila. They will always be my priority.
Kinapa ko ang switch ng ilaw.
"SURPRISE!!!! HAPPY BIRTHDAY, CASSANDRA!!!
Nagulat ako sa aking nakita. My bandmates. ,ang aming manager at ang kanyang asawa kasama ang kanilang anak,at ang aking kambal na siyang may hawak ng cake. Kumakanta sila habang papalapit sa akin.
Grabe! Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko ang birthday ko.
"Happy birthday,Mommy!!. ,blow the candles na po. ,sabay na sabi ng aking kambal.
Ipinikit ko ang aking mata para sa aking birthday wish,then i blow the candles. ,I give my children a peck on their lips before i stand up and look at our visitor.
"Thank you so much,guys!. ,hindi ko maiwasang pangilidan ng luha. Hindi lang naman ito yung pagkakataon na nakakalimutan ko ang birthday ko actually palagi. "Honestly. . ,i-i-i. . ,i forgot. ,i'm sorry. ,napayuko ako. Naramdaman ko ang paglapit nila and the next thing i knew i was being hugged by them including my manager and his wife.
"Okay lang yun,bilib nga ako sa iyo. ,yung birthday ng iba hindi mo nakakalimutan pero ang sarili mong birthday,limot na limot ka. ,galing mo din girl. ,biro sa akin ni Ditas. Asawa siya ni Shane,isa siyang Pilipina. ,dahil sa kanya kaya ako nakilala ni Shane. She was my number one fan sabi niya sa akin,sa Pilipinas pa lang idol na daw niya ako at kahit na dito na siya sa ibang bansa nakikibalita pa rin siya sa akin kaya alam niya ang nangyaring pagtalikod ko sa mga dati kong kabanda. Nalungkot siya kasi nasasayangan daw siya sa talent ko. Bilib na bilib sa akin tong bruhang ito.
Isa sa siya sa naging dahilan kung bakit ako natanggap sa bandang ito,ang aking itinuturing na pamilya ngayon.
Kanina ko pa tinitingnan ang aking mga anak na kalaro ang anak nina Shane na si Sharon. Napalunok ako ng mapagtanto na habang lumalaki sila mas nakakamukha nila ang kanilang ama. Hindi ko alam kung ikagagalit ko ba yun kasi ang unfair ako ang naghirap sa kanila pero bakit ang mukha ng taong nagpahirap sa akin ang naging kamukha nila.
It's not that i'm saying na pangit ang ama nila kaya pangit na rin ang mga anak ko. I sigh ng maalala ko kung gaano kagwapo ang kanilang ama. Noon para sa akin siya na ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko,samahan mo pa ng magandang katawan. ,saan ka pa! Nakaramdam ako ng kilabot ng makita kong ngumisi si Christian,pakiramdam ko nakita ko na rin kung paano ngumisi ang ama niya noong bata pa ito.,kamukhang kamukha niya talaga.
Kuhang kuha niya ang pagiging istrikto ng mukha nito,though bata pa ang anak ko makikita mo na ang pagiging seryoso niya. His name is Christian Kiel,and he is the eldest kaya siguro nadevelop na niya sa sarili niya ang sense of being responsible lalo na sa kanyang kapatid which is Catherine Zoey.,my daughter. ,i call her dalaga ko na gustong gusto naman niya kaya yun na palagi ang tawag ko sa kanya as for my boy i call him my binata. Si Zoey kamukha niya rin ang ama niya yun nga lang medyo soft ang features ng mukha niya at nakuha niya ang hugis ng aking labi.
"Napapansin mo na rin ba?. ,tiningnan ko si Ditas na inabot sa akin ang baso na may lamang juice.
"Ang alin?. ,tanong ko sa kanya. Tumabi siya sa akin. Tiningnan rin niya ang aking mga anak. Napangiti siya.
"Habang lumalaki sila lalo nilang nakukuha ang mukha ng kanilang ama. Si Kiel kuhang kuha niya ang ugali ni Sir Zeke. ,pero si Zoey parang sa iyo yata magmamana,masyadong malambing. ,nakangiti pa rin niyang sabi.
Tumingin ako sa kanya.
"Bakit parang feeling ko ayaw mong magmana sa akin si Zoey. ,?kunwari ay seryoso kong tanong sa kanya. Mabilis siyang tumingin sa akin at nanlaki ang mata at saka humagalpak ng tawa. Napatingin pa tuloy sa amin sina Scott pati na si Shane.
"Seryoso ka,girl?. ,para kang sira diyan. ,natatawa pa rin niyang sabi."Ano ka ba? Nakakatuwa kaya yun. ,yung lalaki mana sa ama kamukha pa nung ama tapos yung babae although kamukha nung ama pero yung ugali niya mana sa ina. ,but still tingin ko lugi ka pa rin kasi kamukha niya talaga yung kambal. ,
"Tsss. ,paulit ulit pa. . , yamot ko namang tugon sa kanya.
Tumawa na lang siya. Mahabang katahimikan din ang namayani sa aming dalawa. Ramdam ko ang mga tingin niya sa akin. For the past years and until now Ditas became a big part of my life and of course pati na sa kambal ko. Siya ang nag-aalaga sa mga anak ko,kahit na nagkaanak na sila ni Shane inaalagaan niya pa rin ang mga anak ko. Sinabi ko ng kukuha ako ng yaya ng mga anak ko pero mariin niyang tinutulan iyon sabi niya hindi naman daw mahirap alagaan ang mga anak ko kasi malalaki na sila at saka mababait naman.
Sabi ko sa kanya nakakahiya na kasi may anak na sila baka mahirapan siya lalo sa pag-aalaga. Isa pa nahihiya na talaga ako kay Shane. Hanggang sa si Shane na ang nakiusap sa akin na hayaan na ang kambal kay Ditas kasi napamahal na sa kanya ang mga ito.
Malaki talaga ang pasasalamat ko sa Diyos kasi nakilala ko ang mag-asawang ito. Malaki ang utang na loob sa kanila at alam kong hindi ko ito mababayaran sa kahit na anong paraan. Habang nabubuhay ako hindi ako magsasawang magpasalamat sa kanila.
"Anong plano mo?. ,malapit na ang concert niyo sa Pilipinas.,seryosong tanong ni Ditas.
"Honestly,Ditas. ,wala akong plano. ,one week lang naman yun. ,wala akong planong magtagal doon. ,
"Paano kapag nakita mong nanood sila?siya? Sigurado ako manonood sila at sigurado rin akong hindi yun papayag na sa malayo lang sila pupwesto. ,
Tumawa ako ng pagak sa sinabi niya.
"So what? Ano naman kung manood sila?. ,kung saan saang panig na ako ng mundo nagperform,alam mong marami na ring prominenteng tao sa bawat lugar na yun ang nanood sa akin. ,mas kilala sa kanila. ,mas makapangyarihan sa kanila. ,so who are they para kabahan ako,ha Ditas?. ,tell me,sino ba sila?. ,hindi ko namalayang tumulo na pala ang aking mga luha. Marahas kong pinunasan ang mga ito. Naramdaman ko ang mga titig ng aking mga kasama. Nakita ko ang pagtayo nila pero sinenyasan sila ni Shane na umupo.
Tiningnan ko si Ditas. ,seryoso siyang nakatitig din sa akin. Pakiramdam ko tumatagos sa aking pagkatao ang mga titig niya.
"They broke you. ,madiin niyang sabi. Nanatili siyang nakatitig sa akin. ,tila inaabangan niya kung ano ang magiging epekto ng sinabi niya sa akin.
Tatlong salita. . pero bakit ang sakit! Tagos sa aking puso,sa buo kong pagkatao. ,
Halos magdugo ang aking labi dahil sa mariin kong pagkagat dito.
Importante ba sila?. ,sila na dumurog at sumira sa akin?. ,