"Dalaga ko,baba ka na diyan sa lap ni Daddy mo. ,may ginagawa siya oh!. ,pakiusap ko kay Zoey,kanina pa kasi siya nakaupo sa kandungan ni Zeke mukhang busy pa naman siya sa harap ng laptop niya. "No,it's okay,honey. ,namiss ko itong dalaga nating ito. ,hinalikan pa niya ang pisngi nito. Napangiti ako sa ayos nilang mag-ama. Hindi ko akalaing ganito na ka-attached sa kanya ang mga bata. Masaya ako na nagagampanan ng maayos ni Zeke ang pagiging ama sa mga bata. Kahit na naging busy siya lately at palagi na siyang late kung umuwi,he always make sure na bibisita muna siya sa room ng mga bata at bago siya umalis ganun pa rin ang gagawin niya. Alam naman niyang medyo nagkukulang na siya sa mga bata and I can sense his frustration every time na babanggitin niya yun bago kami matulog. Palagi ko

