I kept pacing back and forth here in my room. Hindi ko mapigilang kagat kagatin ang aking mga kuko. Grabe kasi ang nerbiyos na nararamdaman ko dahil sa isang text na natanggap ko. The text came from an unknown number. The sender wants me to meet him or her kasi gusto daw niya akong makausap. Ayaw ko naman sana siyang i-entertain kaya lang muli siyang nagtext na hinahamon ako. Kapag daw hindi ako nakipagkita sa kanya ibig sabihin daw nun wala pa rin akong ipinagbago isa pa rin akong martir na duwag. Kanina ko pa iniisip kung sino yun pero wala talaga akong maisip. Wala naman akong pinagbigyan ng number kong ito. Sa huli ipinasya kong pumunta sa sinabi niyang meeting place namin. "Ditas,pakisabi pagdating ng mga bata may pupuntahan lang ako ha!. ,paalam ko sa kanya. Nilingon niya ako

