Punung puno ako ng antisipasyon habang papalapit sa bahay. Pakiramdam ko nga nanginginig ang aking mga kalamnan. I really hope he's there waiting for me. I don't feel like this will wait until tomorrow. Meeting Venus made me realize things. ,maraming bagay katulad ng pagkakatanto ko na dapat pala hindi ko muna siya sinukuan noon. Sana pala naghintay pa ako ng konti at sana naging mas makulit pa ako sa pagtanong sa kanya kung bakit niya ginagawa yung mga bagay na nakakasakit sa akin,alam ko naman kasi na madali siyang bumigay kapag kinukulit ko na siya eh di sana hindi nangyari na naging malayo kami sa isa't isa. Humugot ako ng malalim na paghinga ng matanaw ko na ang gate ng bahay. Halos gusto kong humiyaw ng makita ko ang sasakyan niya na nakaparada sa harapan. Ipinilig pilig ko ang a

