Mas pinabilisan ko pa ang takbo ng treadmill. I wanted to get tired. . ,too tired na wala ng iba pang bagay na papasok sa isip ko. Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng gym. Ngumiti ako sa mga nakatingin sa akin. I remember my first day here halos hindi magkandaugaga ang mga tao dito sa pag-estima sa akin. Halos hindi ako kaagad nakapag-gym kasi panay papicture sila. Kita ko namang nag-aalangan sila sa paglapit sana sa akin kaya ako na rin ang nag-reach out sa kanila. Mag-da-dalawang linggo na akong pabalik-balik dito sa gym na ito. I hate to admit but I used and did this to excuse myself from seeing Zeke. Yes,medyo umiiwas muna ako kay Zeke ngayon. Ewan ko ba,pabebe much nga daw ako sabi ng mga kasama ko sa bahay. Kahit ang mga anak ko nakakahalata na rin sa akin pero hindi lang s

